Pumunta sa nilalaman

Mga bahay na nasira sa Miyazaki, Japan dahil sa Bagyong Shanshan

SETYEMBRE 5, 2024
JAPAN

Sinalanta ng Malakas na Bagyong Shanshan ang Japan

Sinalanta ng Malakas na Bagyong Shanshan ang Japan

Nag-landfall ang Bagyong Shanshan sa Kagoshima Prefecture, Japan, noong Agosto 29, 2024. May dala itong hangin na umabot nang halos 160 kilometro kada oras. Nakaranas ang ilang bahagi ng mga rehiyon ng Kanto, Kyushu, at Tokai ng mahigit 40 sentimetro ng tubig-ulan sa loob lang ng 48 oras. Dahil dito, nagkaroon ng mga mudslide at pagbaha na sumira sa mga lansangan at gusali. Mahigit 120 ang nasaktan, at 8 ang namatay.

Epekto sa mga Kapatid

  • Walang kapatid na namatay

  • 3 mamamahayag ang nasaktan

  • 245 bahay ang bahagyang nasira

  • 8 Kingdom Hall ang bahagyang nasira

  • Kailangang baguhin ang iskedyul ng ilang panrehiyong kombensiyon sa apektadong mga lugar dahil sa bagyo

Relief Work

  • Pinapatibay at tinutulungan ng mga tagapangasiwa ng sirkito at ng mga elder doon ang mga nasalanta

Kahit na nagdudulot ng kalungkutan at dalamhati ang gayong likas na mga sakuna, ’tinutulungan tayo at inaaliw’ ng Diyos na Jehova kaya nakakapagtiis tayo.—Awit 86:17.