Papaano Ko Mapagtitiisan ang Aking Pagdadalamhati?
“MABIGAT na mabigat ang dibdib ko sa pagpipigil,” ang paliwanag ni Mike habang naaalaala ang kamatayan ng kaniyang ama. Para kay Mike, ang pagpigil sa kaniyang dalamhati ay katibayan ng kaniyang pagkalalaki. Pero nang maglaon ay napatunayan niyang mali siya. Kaya nang ang kaibigan ni Mike ay mamatayan ng kaniyang lolo, alam na ni Mike ang kaniyang gagawin. Sabi niya: “Kung ito’y nangyari noong nakaraang mga taon, tatapikin ko lamang siya sa balikat at sasabihin, ‘Magpakalalaki ka.’ Ngayon hinawakan ko ang kaniyang bisig at sinabi, ‘Hayaan mo lang kung ano man ang iyong nararamdaman. Makatutulong iyan upang maharap mo iyan. Kung ibig mong umalis ako, aalis ako. Kung ibig mo namang manatili ako rito, mananatili ako. Ngunit huwag kang matakot sa iyong nadarama.’”
Nakadama rin ng paghihirap si MaryAnne sa pagpigil sa kaniyang damdamin nang mamatay ang kaniyang asawa. “Alalang-alala ako hinggil sa aking pagiging isang mabuting halimbawa sa iba,” nagugunita niya, “anupat hindi ko hinayaan ang aking sarili na ipahalata ang aking tunay na nadarama. Ngunit sa wakas ay napag-alaman kong ang pagsisikap na maging isang haligi ng kalakasan para sa iba ay hindi nakatutulong sa akin. Sinimulan kong suriing mabuti ang aking kalagayan at sabihing, ‘Umiyak ka kung dapat kang umiyak. Huwag kang maglakas-lakasan. Ibulalas mo ang laman ng iyong dibdib.’”
Kaya kapuwa sina Mike at MaryAnne ay nagmumungkahi: Hayaan ang iyong sarili na magdalamhati! At tama sila. Bakit? Sapagkat ang pagdadalamhati ay isang kinakailangang pagpapagaang ng damdamin. Ang pagbibigay-daan sa iyong nadarama ay makapagpapagaang ng pamimigat ng dibdib na iyong dinaranas. Ang natural na pagpapahayag ng damdamin, kung may kaakibat na pang-unawa at wastong kabatiran, ay maglalagay sa iyong damdamin sa tumpak na pangmalas.
Mangyari pa, hindi pare-pareho ang paraan ng pagdadalamhati ng bawat isa. At ang mga pangyayari gaya ng kung ang pagkamatay ng minamahal ay bigla o kung ito’y pagkatapos muna ng mahabang pagkakasakit ay maaaring makaepekto sa emosyonal na ikikilos ng mga naulila. Subalit iisang bagay lamang ang tiyak: Ang pagpigil sa iyong damdamin ay maaaring makasamâ kapuwa sa pisikal at emosyonal. Mas makabubuti kung bibigyang-daan mo ang iyong dalamhati. Papaano? Ang Kasulatan ay naglalaman ng ilang praktikal na mga payo.
Pagbibigay-Daan sa Dalamhati—Papaano?
Ang pakikipag-usap ay maaaring makatulong sa pagbibigay-daan nito. Kasunod ng pagkamatay ng lahat ng sampu niyang anak, gayundin ng ilan pang personal na mga trahedya, sinabi ng sinaunang patriyarkang Job 1:2, 18, 19; 10:1) Hindi na mapigilan ni Job ang kaniyang pagkabalisa. Kailangan na niyang pakawalan iyon; dapat na siyang “magsalita.” Sa katulad na paraan, ang dramatistang Ingles na si Shakespeare ay sumulat sa Macbeth: “Ipakipag-usap ang kalungkutan; ang pagdadalamhating di-nasambit ay bumubulong sa pusong tigib ng dalamhati at nagwawasak nito.”
si Job: “Ang aking kaluluwa ay talaga ngang nakadarama ng pagkamuhi sa aking buhay. Ako ay magbubulalas ng [Hebreo, “magpapakawala”] aking pagkabahala tungkol sa aking sarili. Ako ay magsasalita sa kapaitan ng aking kaluluwa!” (Kaya ang pakikipag-usap ng hinggil sa iyong nadarama sa “isang tunay na kaibigan” na buong-tiyaga at may pakikiramay na makikinig ay magdudulot ng isang antas ng kaginhawahan. (Kawikaan 17:17) Ang pagsasabi ng mga karanasan at damdamin ay madalas na nagpapangyari na maging mas madaling unawain ang mga iyon at harapin ang mga iyon. At kung ang nakikinig ay isa ring naulila na nakapanagumpay sa kaniyang sariling pangungulila, baka makapulot ka ng ilang praktikal na mga mungkahi kung papaano mo ito makakayanan. Nang mamatay ang kaniyang anak, nagpaliwanag ang isang ina kung bakit nakatulong ang pakikipag-usap sa ibang babae na napaharap na rin sa gayong pangungulila: “Sa pagkaalam na ang iba’y dumanas din ng gayon, na may husto pa ring pag-iisip at damdamin sa kabila ng lahat, at na siya’y nagpapatuloy pa rin sa kaniyang buhay na tulad nang dati, ito’y totoong nakapagpapalakas sa akin.”
Ano kaya kung hindi ka naman sanáy na ipakipag-usap ang iyong nadarama? Kasunod ng pagkamatay nina Saul at Jonathan, kumatha si David ng isang panambitan na doo’y ibinuhos niya ang lahat ng kaniyang pagdadalamhati. Ang mapanglaw na kathang ito sa wakas ay naging bahagi ng nasusulat na rekord ng aklat ng Bibliya na Ikalawang Samuel. (2 Samuel 1:17-27; 2 Cronica 35:25) Sa katulad na paraan, nasumpungan ng iba na mas madali para sa kanila na ipahayag ang sarili sa pamamagitan ng pagsulat. Isang babaing balo ang nag-ulat na isinusulat niya ang kaniyang nadarama at paglipas ng mga araw ay binabasa niyang muli ang kaniyang isinulat. Nakatulong ito upang siya’y maibsan.
Sa pakikipag-usap man o pagsulat, ang pagsasabi ng iyong nadarama ay makatutulong upang maibsan ang iyong dalamhati. Makatutulong din ito upang liwanagin ang mga di-pagkakaunawaan. Isang nangungulilang ina ang nagpapaliwanag: “Nabalitaan naming mag-asawa ang tungkol sa paghihiwalay ng ibang mga mag-asawa matapos mamatayan ng anak, at hindi namin ibig na mangyari iyon sa amin. Kaya anumang oras na kami’y nakadarama ng galit, anupat gustong magsisihan sa isa’t isa, pinag-uusapan namin iyon. Sa palagay ko’y lalo kaming naging malapít sa isa’t isa nang gawin namin iyon.” Kaya nga, ang pagpapabatid ng iyong nadarama ay tutulong sa iyo na maunawaan na kahit magkatulad ang inyong dinanas na kawalan, baka ang iba’y hindi kaparis ng iyong pagdadalamhati—kung kailan at kung papaano.
Ang isa pang magpapagaang ng pagdadalamhati ay ang pag-iyak. May “panahon ng pag-iyak,” sabi ng Bibliya. (Eclesiastes 3:1, 4) Tiyak na ang kamatayan ng isang minamahal ay magdadala sa atin sa panahong iyon. Ang pagluha dahil sa dalamhati ay lumilitaw na isang bahaging kailangan para sa pagpapagaling.
Roma 12:15.) Ni ikahiya man ang iyong mga luha. Gaya ng nakita na natin, ang Bibliya’y punung-puno ng mga halimbawa ng mga lalaki at babaing may pananampalataya—kasama na si Jesu-Kristo—na hayagang lumuha dahil sa pagdadalamhati nang hindi kakikitaan ng pagkapahiya.—Genesis 50:3; 2 Samuel 1:11, 12; Juan 11:33, 35.
Isang dalaga ang nagpaliwanag kung papaanong ang isang matalik na kaibigan ay tumulong sa kaniya na makayanan ang pagkamatay ng kaniyang ina. Nagugunita niya: “Ang aking kaibigan ay laging handang tumulong sa akin. Nakikiiyak siya sa akin. Nakikipag-usap sa akin. Sinasabi kong lahat sa kaniya ang aking nadarama, at iyon ang mahalaga sa akin. Hindi ako nahihiyang umiyak sa harap niya.” (Tingnan angMay panahon na masusumpungan mong makadarama ka ng damdaming hindi mo inaasahan. Biglang-bigla na lamang tutulo ang iyong luha. Nasumpungan ng isang babaing balo na ang pamimilí sa supermarket (isang bagay na madalas nilang ginagawang mag-asawa) ay nakapagpaiyak sa kaniya, lalo na nang, dahil sa pagkasanay, ay kunin niya ang mga bagay na dating paborito ng kaniyang asawa. Pagbigyan mo lang ang iyong sarili. At huwag mong isiping dapat mong pigilin ang mga luha. Tandaan, ang mga iyan ay natural at kailangan bilang bahagi ng pagdadalamhati.
Pakikiharap sa Pagkadama ng Kasalanan
Gaya ng nabanggit na, ang ilan ay nakadarama ng paninisi sa sarili pagkatapos na mamatayan ng isang minamahal. Ito’y makatutulong upang maipaliwanag ang matinding pagdadalamhati ng tapat na lalaking si Jacob nang siya’y papaniwalain na ang kaniyang anak na si Jose ay napatay ng “isang mabangis na hayop.” Si Jacob mismo ang nagsugo kay Jose upang alamin ang kalagayan ng kaniyang mga kapatid. Kung kaya malamang na sunud-sunod na paninisi sa sarili ang naramdaman ni Jacob, tulad ng ‘Bakit ko ba isinugo roon si Jose nang nag-iisa? Bakit ko siya pinapunta sa isang lugar na napakaraming mababangis na hayop?’—Genesis 37:33-35.
Marahil ay inaakala mong may pagkukulang ka kung kaya namatay ang iyong minamahal. Makatutulong sa ganang sarili kung mauunawaan na ang paninisi sa sarili—totoo man o inaakala lamang—ay isang normal na reaksiyon sa isang nagdadalamhati. Muli na naman, hindi dapat kuyumin sa iyong kalooban ang gayong damdamin. Ang pagtatapat ng iyong nadaramang
kasalanan ay makapaglalaan ng isang kinakailangang pagluluwag ng loob.Gayunman, pakatantuin na gaano man natin kamahal ang isang tao, hindi natin mahahawakan ang kaniyang buhay, ni mahahadlangan man natin “ang panahon at ang di-inaasahang pangyayari” na dumating sa ating mga minamahal. (Eclesiastes 9:11) Bukod doon, walang alinlangan na ang iyong motibo ay hindi masama. Halimbawa, sabihin nang hindi ka nakipag-usap agad sa doktor, may hangarin ka bang magkasakit sana at mamatay ang iyong minamahal? Siyempre wala! Kung gayon masasabi bang may kasalanan ka sa pagkamatay ng isang iyon? Wala.
Isang ina ang natutuhang harapin ang pagkadama ng kasalanan pagkatapos na mamatay ang kaniyang anak na babae sa isang aksidente sa sasakyan. Ipinaliwanag niya: “Nadama kong ako ang may kasalanan dahil ako ang nag-utos sa kaniya. Subalit naunawaan kong hindi dapat na iyon ang aking madama. Wala namang masama kung inutusan ko siyang samahan ang kaniyang ama. Iyon ay isa lamang talagang nakalulunos na aksidente.”
‘Subalit napakaraming bagay ang dapat sanang nasabi ko o nagawa ko,’ masasabi mo. Totoo nga, ngunit sino sa atin ang makapagsasabi na tayo’y naging isang sakdal na ama, ina, o anak? Nagpapaalaala sa atin ang Bibliya: “Tayong lahat ay natitisod nang maraming ulit. Kung ang sinuman ay hindi natitisod sa salita, ang isang ito ay taong sakdal.” (Santiago 3:2; Roma 5:12) Kaya aminin mo ang katotohanang ikaw ay hindi sakdal. Walang magagawa ang paulit-ulit na pag-iisip sa lahat ng mga “kung sana’y,” sa halip ay baka patagalin lamang nito ang iyong paggaling.
Kung may matibay kang dahilan na maniwalang tunay ngang may kasalanan ka, hindi sa akala lamang, kung gayon ay isaalang-alang ang pinakamahalagang salik sa lahat upang mapagaang ang kasalanan—ang kapatawaran ng Diyos. Tinitiyak sa atin ng Bibliya: “Kung ikaw ay magtatanda ng mga kasalanan, Oh Jah, Oh Jehova, sinong makatatayo? Sapagkat nasa iyo ang tunay na kapatawaran.” (Awit 130:3, 4) Hindi mo maibabalik ang nakaraan at mababago ang anuman. Gayunman, makapagsusumamo ka sa Diyos ng kapatawaran sa mga nagawang kasalanan noon. Ano kung gayon? Aba, kung nangangako ang Diyos na kalilimutan niya ang lahat, hindi ba dapat na patawarin mo rin ang iyong sarili?—Kawikaan 28:13; 1 Juan 1:9.
Pakikitungo sa Pagkagalit
Nakadarama ka rin ba ng waring pagkagalit, marahil sa mga doktor, nars, kaibigan, o maging doon mismo sa namatay? Unawain na ito man ay karaniwang damdamin kapag namatayan. Marahil ang pagkagalit ay isang natural na kakambal ng sakít na iyong nadarama. Sinabi ng isang manunulat: “Tangi lamang kung alam mong nagagalit ka—hindi ang pagpapakita nito kundi ang pagkadama nito—saka ka lamang makaiiwas sa mapanirang epekto nito.”
Makatutulong din kung maipakikita mo o maihihinga mo ang galit. Papaano? Tiyak na hindi sa pamamagitan ng di-mapigil na mga silakbo ng galit. Nagbababala ang Bibliya na mapanganib ang nagtatagal na galit. (Kawikaan 14:29, 30) Subalit baka maibsan ang iyong kalooban kung ipakikipag-usap mo ito sa isang maunawaing kaibigan. At nasumpungan din ng iba na ang mabisang pag-eehersisyo kapag nagagalit sila ay isang tulong sa pagpapagaan ng kalooban.—Tingnan din ang Efeso 4:25, 26.
Bagaman mahalaga na maging hayagan at tapat sa iyong nadarama, ang isang paalaala ay angkop lamang. May malaking pagkakaiba ang pagpapahayag ng iyong nadarama at ang pagbubulalas nito sa iba. Walang dahilan upang sisihin ang iba dahil sa iyong galit at pagkasiphayo. Kaya huwag kalilimutang sabihin ang iyong nadarama, ngunit hindi sa paraang pagalít. (Kawikaan 18:21) May isang pinakadakilang tulong upang makayanan ang pagdadalamhati, at tatalakayin natin ito ngayon.
Tulong Mula sa Diyos
Tinitiyak sa atin ng Bibliya: “Si Jehova ay malapít sa kanila na may bagbag na puso; at inililigtas yaong may Awit 34:18) Oo, higit sa ano pa man, ang kaugnayan sa Diyos ay makatutulong sa iyo na mapaglabanan ang kamatayan ng isang minamahal. Papaano? Lahat ng praktikal na mga mungkahi na ibinibigay hanggang sa ngayon ay batay o ayon sa Salita ng Diyos, ang Bibliya. Ang pagkakapit ng mga ito ay makatutulong sa iyo na magtagumpay.
pagsisising diwa.” (Karagdagan pa, huwag maliitin ang bisa ng panalangin. Hinihimok tayo ng Bibliya: “Ilagay mo ang iyong pasan kay Jehova mismo, at siya mismo ang aalalay sa iyo.” (Awit 55:22) Kung ang pagsasabi mo ng iyong nadarama sa isang nakikiramay na kaibigan ay nakatutulong, lalong higit na matutulungan ka kung bubuksan mo ang iyong puso sa “Diyos ng buong kaaliwan”!—2 Corinto 1:3.
Hindi naman nangangahulugan na ang panalangin mismo ang nakapagpapabuti ng ating pakiramdam. Ang “Dumirinig ng panalangin” ay nangangako na magbibigay siya ng banal na espiritu sa kaniyang mga lingkod na taimtim na humihiling nito. (Awit 65:2; Lucas 11:13) At ang banal na espiritu ng Diyos, o aktibong puwersa, ay makapagsasangkap sa iyo ng “lakas na higit sa karaniwan” upang makapagpatuloy sa araw-araw. (2 Corinto 4:7) Tandaan: Matutulungan ng Diyos ang kaniyang mga lingkod na makapagbatá ng anuman at alinmang problema na makakaharap nila.
Nagugunita ng isang babaing namatayan ng anak kung papaanong nakatulong sa kaniya at sa kaniyang asawa ang bisa ng panalangin upang matiis ang kanilang pangungulila. “Kung kami’y nasa aming tahanan sa gabi at halos di na namin makayanan ang pangungulila, kaming dalawa’y malakas na nananalangin,” ang paliwanag niya. “Sa unang pagkakataon na siya’y di namin kasama—sa unang pulong sa kongregasyon na aming pinuntahan, sa unang kombensiyon na aming dinaluhan—kami’y nananalangin para sa higit na tibay ng loob. Kapag kami’y nagigising sa umaga at ang katotohanan ng lahat ng ito ay waring di na makayanan, kami’y nananalangin kay Jehova na kami’y tulungan. Sa di-maunawaang dahilan, talagang isang dagok para sa akin na pumasok sa bahay nang nag-iisa. Kung kaya sa bawat pagkakataon na ako’y uuwing mag-isa, mananalangin na lamang ako kay Jehova na sana’y tulungan akong kalamayin ang aking kalooban.” Ang tapat na babaing iyan ay matatag at may katuwirang naniniwalang ang mga panalanging iyon ay nakatutulong. Ikaw man ay makadarama na bilang tugon sa iyong matiyagang pananalangin, ‘ang kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan ay magbabantay sa iyong puso at sa iyong kakayahang pangkaisipan.’—Filipos 4:6, 7; Roma 12:12.
Ang tulong na itinutustos ng Diyos ay may nagagawa. Sinabi ng Kristiyanong apostol na si Pablo na ang Diyos ay “umaaliw sa atin sa lahat ng ating kapighatian, upang maaliw natin yaong mga nasa anumang uri ng kapighatian.” Totoo, ang maka-Diyos na tulong ay di-nakapag-aalis ng hapdi, subalit nakapagpapaluwag naman ng kalooban. Hindi ito nangangahulugang hindi ka na luluha o malilimutan mo na ang iyong minamahal. Kundi makakayanan mo ito. At habang gayon nga, ang iyong naranasan ay magpapangyari sa iyo na maging higit na maunawain at madamayin sa pagtulong sa iba upang makayanan ang gayunding pangungulila.—2 Corinto 1:4.