Unang Samuel 5:1-12

5  Nang makuha ng mga Filisteo ang Kaban+ ng tunay na Diyos sa Ebenezer, dinala nila iyon sa Asdod. 2  Pagkatapos, dinala ng mga Filisteo ang Kaban ng tunay na Diyos sa bahay* ni Dagon at inilagay sa tabi ni Dagon.+ 3  Kinabukasan, paggising nang maaga ng mga Asdodita, nakita nilang nakasubsob si Dagon sa tapat ng Kaban ni Jehova.+ Kaya kinuha nila si Dagon at ibinalik siya sa kaniyang puwesto.+ 4  Nang sumunod na araw, paggising nila nang maaga, nakita nilang nakasubsob si Dagon sa tapat ng Kaban ni Jehova. Ang ulo at ang dalawang kamay ni Dagon ay putol na at nasa may pintuan. Ang bahaging isda* lang ang naiwan sa kaniya. 5  Iyan ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, ang pasukan ng pintuan ni Dagon sa Asdod ay hinahakbangan ng mga saserdote ni Dagon at ng lahat ng pumapasok sa bahay ni Dagon. 6  Ang kamay ni Jehova ay mabigat sa mga Asdodita, at sinalot niya ng almoranas+ ang mga taga-Asdod at ang mga nasa teritoryo nito. 7  Nang makita ng mga lalaki ng Asdod ang nangyayari, sinabi nila: “Huwag nating hayaang manatili rito ang Kaban ng Diyos ng Israel, dahil naging malupit siya sa atin at sa ating diyos na si Dagon.” 8  Kaya ipinatawag nila ang lahat ng panginoon ng mga Filisteo at tinanong ang mga ito: “Ano ang gagawin natin sa Kaban ng Diyos ng Israel?” Sumagot sila: “Ilipat ninyo sa Gat+ ang Kaban ng Diyos ng Israel.” Kaya inilipat nila roon ang Kaban ng Diyos ng Israel. 9  Nang mailipat nila iyon doon, pinarusahan ni Jehova ang lunsod at nagkagulo ang mga tao. Sinalot niya ng almoranas ang mga nakatira sa lunsod, ang nakabababa at ang nakatataas.+ 10  Kaya ipinadala nila sa Ekron ang Kaban ng tunay na Diyos, pero pagdating ng Kaban ng tunay na Diyos sa Ekron,+ ang mga Ekronita ay humiyaw: “Dinala nila sa atin ang Kaban ng Diyos ng Israel para mamatay tayo at ang bayan natin!”+ 11  Pagkatapos ay ipinatawag nila at tinipon ang lahat ng panginoon ng mga Filisteo at sinabi: “Alisin ninyo rito ang Kaban ng Diyos ng Israel; ibalik ninyo ito sa talagang kinalalagyan nito para hindi tayo mamatay pati ang bayan natin,” dahil natatakot ang buong lunsod na baka mamatay sila. Pinarusahan sila ng tunay na Diyos,+ 12  at ang mga taong hindi namatay ay nagkaroon ng almoranas. At umabot sa langit ang paghingi ng tulong ng lunsod.

Talababa

O “templo.”
Lit., “Si Dagon.”

Study Notes

Media