Mga Awit 109:1-31

Sa direktor. Awit ni David. 109  O Diyos na aking pinupuri,+ huwag kang manahimik.  2  Dahil ang masama at ang mapanlinlang ay nagsasalita laban sa akin. Nagsisinungaling sila tungkol sa akin;+  3  Pinapalibutan nila ako at pinagsasalitaan ng masasakit,At nakikipaglaban sila sa akin nang walang dahilan.+  4  Akusasyon ang iginaganti nila sa pag-ibig ko;+Pero patuloy akong nananalangin.  5  Masama ang iginaganti nila sa kabutihan ko,+At pagkapoot ang isinusukli nila sa pag-ibig ko.+  6  Hatulan nawa siya ng isang masamang tao;Tumayo nawa sa kanan niya ang isang kalaban.*  7  Kapag nilitis siya, hatulan nawa siyang nagkasala;*Ituring nawang kasalanan kahit ang panalangin niya.+  8  Umikli nawa ang buhay niya;+Kunin nawa ng iba ang katungkulan niya bilang tagapangasiwa.+  9  Ang mga anak* niya nawa ay mawalan ng amaAt mabiyuda ang asawa niya. 10  Mula sa kanilang wasak na mga bahay ay magpalaboy-laboy nawa ang mga anak* niyaPara mamalimos at maghagilap ng pagkain. 11  Kunin nawa ng nagpautang sa kaniya ang* lahat ng mayroon siya,At samsamin nawa ng mga estranghero ang mga pag-aari niya. 12  Wala nawang magpakita sa kaniya ng kabaitan,*At wala nawang mahabag sa mga anak niyang walang ama. 13  Malipol nawa ang mga inapo niya;+Mabura nawa ang pangalan nila sa susunod na henerasyon. 14  Maalaala nawa ni Jehova ang pagkakamali ng mga ninuno niya,+At huwag nawang mabura ang kasalanan ng kaniyang ina. 15  Lagi nawang maalaala ni Jehova ang ginawa nila;At pawiin niya nawa sa lupa ang alaala sa kanila.+ 16  Dahil hindi niya inisip na magpakita ng kabaitan,*+Kundi patuloy niyang tinugis ang naaapi,+ dukha, at nasasaktan ang pusoPara patayin ito.+ 17  Gustong-gusto niyang sumumpa, kaya isinumpa siya;Ayaw niyang magbigay ng pagpapala, kaya hindi siya tumanggap ng pagpapala. 18  Nadamtan siya ng mga sumpa. At ibinuhos ang mga iyon sa katawan niya na gaya ng tubig,Sa mga buto niya na gaya ng langis. 19  Ang mga sumpa niya ay maging gaya nawa ng damit na nakabalot sa kaniya+At gaya ng sinturon na lagi niyang suot. 20  Ito ang igaganti ni Jehova sa kalaban ko+At sa mga nagsasalita sa akin ng masama. 21  Pero Jehova, Kataas-taasang Panginoon,Kumilos ka para sa akin alang-alang sa pangalan mo.+ Iligtas mo ako, dahil ang iyong tapat na pag-ibig ay mabuti.+ 22  Dahil ako ay dukha at walang kalaban-laban,+At ang puso ko ay sinugatan.+ 23  Pumapanaw ako na gaya ng naglalahong anino;Itinaboy ako na parang balang. 24  Nanlalambot na ang mga tuhod ko dahil sa pag-aayuno;Nangangayayat ako at natutuyot.* 25  Inaalipusta nila ako.+ Kapag nakikita nila ako, umiiling-iling sila.+ 26  Tulungan mo ako, O Jehova na aking Diyos;Iligtas mo ako dahil sa iyong tapat na pag-ibig. 27  Malaman nawa nila na ang kamay mo ang nagligtas sa akin;Na ikaw, O Jehova, ang gumawa nito. 28  Hayaan mong sumpain nila ako, pero pagpalain mo ako. Kapag sinalakay nila ako, mapahiya nawa sila,Pero ang iyong lingkod nawa ay magsaya. 29  Madamtan nawa ng kahihiyan ang mga kalaban ko;Mabalot nawa sila ng kahihiyan na gaya ng kasuotan.*+ 30  Buong puso kong pupurihin si Jehova;Pupurihin ko siya sa harap ng maraming tao.+ 31  Dahil tatayo siya sa kanan ng dukhaPara iligtas siya mula sa mga humahatol sa kaniya.

Talababa

O “nag-aakusa.”
O “masama.”
Lit., “anak na lalaki.”
Lit., “anak na lalaki.”
O “Mag-umang nawa ng bitag ang usurero para sa.”
O “tapat na pag-ibig.”
O “tapat na pag-ibig.”
Lit., “Pumayat ang laman ko, walang taba (langis).”
O “damit na walang manggas.”

Study Notes

Media