Mga Awit 110:1-7

Awit ni David. 110  Sinabi ni Jehova sa Panginoon ko: “Umupo ka sa kanan ko+Hanggang sa ang mga kaaway mo ay gawin kong tuntungan ng mga paa mo.”+  2  Iuunat ni Jehova ang setro ng kapangyarihan mo mula sa Sion, at sasabihin niya: “Humayo ka sa mga kaaway mo at manakop ka.”+  3  Kusang-loob na ihahandog ng bayan mo ang kanilang sarili sa araw na pangunahan* mo ang iyong hukbo. Mayroon kang grupo ng mga kabataan na gaya ng mga patak ng hamog,Marilag at banal mula sa sinapupunan ng bukang-liwayway.  4  Si Jehova ay sumumpa, at hindi magbabago ang isip niya:* “Ikaw ay isang saserdote magpakailanman+Gaya ng pagkasaserdote ni Melquisedec!”+  5  Si Jehova ay tatayo sa kanan mo;+Dudurugin niya ang mga hari sa araw ng kaniyang galit.+  6  Maglalapat siya ng hatol laban sa* mga bansa;+Pupunuin niya ng mga bangkay ang lupain.+ Dudurugin niya ang pinuno* ng malawak na lupain.*  7  Iinom siya* sa batis sa tabing-daan. Kaya itataas niya ang kaniyang ulo.

Talababa

O “pakilusin.”
O “hindi niya ito ikalulungkot.”
O “hatol sa gitna ng.”
Lit., “ulo.”
O “ng buong lupa.”
Tumutukoy sa “Panginoon ko” sa tal. 1.

Study Notes

Media