Mga Awit 111:1-10

111  Purihin si Jah!*+ א [Alep] Pupurihin ko si Jehova nang buong puso ko+ב [Bet]Sa pagtitipon ng mga matuwid at sa kongregasyon. ג [Gimel]  2  Dakila ang mga gawa ni Jehova;+ד [Dalet]Pinag-aaralan iyon ng lahat ng nalulugod sa mga iyon.+ ה [He]  3  Ang mga ginagawa niya ay maluwalhati at kahanga-hanga,ו [Waw]At ang katuwiran niya ay mananatili magpakailanman.+ ז [Zayin]  4  Ang kamangha-mangha niyang mga gawa ay hindi malilimutan.+ ח [Het] Si Jehova ay mapagmalasakit* at maawain.+ ט [Tet]  5  Nagbibigay siya ng pagkain sa mga natatakot sa kaniya.+ י [Yod] Aalalahanin niya ang kaniyang tipan magpakailanman.+ כ [Kap]  6  Ipinakita niya sa kaniyang bayan ang makapangyarihan niyang mga gawaל [Lamed]Nang ibigay niya sa kanila ang mana ng mga bansa.+ מ [Mem]  7  Ang mga gawa ng mga kamay niya ay tapat at makatarungan;+נ [Nun]Mapagkakatiwalaan ang lahat ng utos niya.+ ס [Samek]  8  Laging maaasahan* ang mga ito, ngayon at magpakailanman;ע [Ayin]Ginawa ang mga ito sa katotohanan at katuwiran.+ פ [Pe]  9  Tinubos niya ang bayan niya.+ צ [Tsade] Iniutos niyang manatili magpakailanman ang kaniyang tipan. ק [Kop] Banal at lubhang kagalang-galang ang pangalan niya.+ ר [Res] 10  Ang pagkatakot kay Jehova ang pasimula ng karunungan.+ ש [Sin] Ang lahat ng sumusunod sa mga utos niya* ay may malalim na unawa.+ ת [Taw] Pupurihin siya magpakailanman.

Talababa

O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O “magandang-loob.”
O “May matibay na saligan.”
Lit., “sa mga iyon.”

Study Notes

Media