Mga Awit 148:1-14

148  Purihin si Jah!* Purihin si Jehova mula sa langit;+Purihin siya sa kaitaasan.  2  Purihin ninyo siya, kayong lahat na mga anghel niya.+ Purihin ninyo siya, kayong buong hukbo niya.+  3  Purihin ninyo siya, kayong araw at buwan. Purihin ninyo siya, kayong lahat na nagniningning na bituin.+  4  Purihin ninyo siya, O pinakamataas na langit*At mga tubig sa ibabaw ng langit.  5  Purihin nawa nila ang pangalan ni Jehova,Dahil nag-utos siya, at nalalang* sila.+  6  Pananatilihin niya ang mga ito magpakailanman;+Naglabas siya ng utos na hindi lilipas.+  7  Purihin ninyo si Jehova mula sa lupa,Kayong malalaking hayop sa dagat at lahat ng malalalim na karagatan,  8  Kayong kidlat at yelo,* niyebe at makapal na ulap,Ikaw na malakas na hangin, na tumutupad sa salita niya,+  9  Kayong mga bundok at kayong lahat na mga burol,+Kayong namumungang mga puno at kayong lahat na mga sedro,+ 10  Kayong maiilap na hayop+ at kayong lahat na maaamong hayop,Kayong gumagapang na mga nilikha at mga ibong may pakpak, 11  Kayong mga hari sa lupa at kayong lahat na mga bansa,Kayong matataas na opisyal at kayong lahat na mga hukom sa lupa,+ 12  Kayong mga binata at mga dalaga,*Kayong matatandang lalaki at mga kabataan.* 13  Purihin nawa nila ang pangalan ni Jehova,Dahil ang pangalan lang niya ang di-maabot sa kataasan.+ Ang dangal niya ay mas mataas sa lupa at langit.+ 14  Palalakasin niya ang* kaniyang bayan,Para sa kapurihan ng lahat ng tapat sa kaniya,Ng mga anak ni Israel, ang bayang malapít sa kaniya. Purihin si Jah!*

Talababa

O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
Lit., “mga langit ng mga langit.”
O “nalikha.”
O “graniso.”
Lit., “birhen.”
O “matatanda at mga bata.”
Lit., “Itataas niya ang sungay ng.”
O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.

Study Notes

Media