Mga Awit 2:1-12

2  Bakit nagkakagulo ang mga bansaAt ang mga bayan ay nagbubulong-bulungan* tungkol sa walang-katuturang bagay?+  2  Ang mga hari sa lupa ay tumindigAt ang matataas na opisyal ay nagkaisa*+Laban kay Jehova at sa kaniyang pinili.*+  3  Sinasabi nila: “Lagutin natin ang mga ikinadena nila sa atinAt itapon ang mga panali nila!”  4  Ang nakaupo sa trono sa langit ay matatawa;Pagtatawanan sila ni Jehova.  5  Sa tindi ng galit niya ay magsasalita siya sa kanila sa panahong iyon,At sisindakin niya sila ng kaniyang nag-aapoy na galit.  6  Sasabihin niya: “Ako mismo ang nagluklok sa aking hari+Sa Sion,+ na aking banal na bundok.”  7  Ipahahayag ko ang sinabi ni Jehova;Sinabi niya sa akin: “Ikaw ang anak ko;+Ngayon, ako ay naging iyong ama.+  8  Hilingin mo sa akin, at ibibigay ko ang mga bansa bilang iyong manaAt ang buong lupa bilang iyong pag-aari.+  9  Babaliin mo sila gamit ang isang setrong bakal,+At dudurugin mo silang gaya ng isang palayok.”+ 10  Kaya ngayon, kayong mga hari, magpakatalino kayo;Tumanggap kayo ng pagtutuwid,* kayong mga hukom sa lupa. 11  Maglingkod kayo kay Jehova nang may takot,At magsaya kayo nang may panginginig. 12  Parangalan* ninyo ang anak;+ kung hindi ay magagalit ang Diyos*At malilipol kayo,+Dahil ang galit Niya ay biglang sumisiklab. Maligaya ang lahat ng nanganganlong sa Kaniya.

Talababa

O “nagbubulay-bulay.”
O “magkakasamang nagplano.”
O “Kristo.” Lit., “pinahiran.” Tingnan sa Glosari, “Pahiran.”
O “Makinig kayo sa babala.”
Lit., “Halikan.”
Lit., “siya.”

Study Notes

Media