Mga Awit 20:1-9

Sa direktor. Awit ni David. 20  Sagutin ka nawa ni Jehova sa araw ng pagdurusa. Ingatan ka nawa ng pangalan ng Diyos ni Jacob.+  2  Padalhan ka nawa niya ng tulong mula sa banal na lugar+At alalayan ka mula sa Sion.+  3  Alalahanin niya nawa ang lahat ng iyong handog na kaloobAt malugod na tanggapin* ang iyong handog na sinusunog. (Selah)  4  Ibigay niya nawa sa iyo ang mga gusto ng puso mo+At pagtagumpayin ang lahat ng plano mo.  5  Masaya kaming hihiyaw dahil sa pagliligtas mo;+Itataas namin ang aming bandera sa pangalan ng aming Diyos.+ Tuparin nawa ni Jehova ang lahat ng kahilingan mo.  6  Alam ko na ngayon na inililigtas ni Jehova ang pinili* niya.+ Sinasagot niya ito mula sa kaniyang banal na langitSa pamamagitan ng dakilang pagliligtas* ng kaniyang kanang kamay.+  7  Ang ilan ay nagtitiwala sa mga karwahe,* at ang iba ay sa mga kabayo,+Pero kami ay tumatawag sa pangalan ni Jehova na aming Diyos.+  8  Natalo sila at nabuwal,Pero kami ay bumangon at tumayo.+  9  O Jehova, iligtas mo ang hari!+ Sasagutin niya kami sa araw na humingi kami ng tulong.+

Talababa

Lit., “At ituring na taba.”
O “mga tagumpay.”
Lit., “pinahiran.”
O “karo.”

Study Notes

Media