Mga Awit 38:1-22

Awit ni David, para magpaalaala. 38  O Jehova, huwag mo akong sawayin nang galit kaO ituwid nang napopoot ka.+  2  Dahil ang mga palaso mo ay bumaon nang malalim sa akin,At hinampas mo ako ng kamay mo.+  3  Nanghihina ang buong katawan ko* dahil sa galit mo. Wala akong kapayapaan* dahil sa kasalanan ko.+  4  Lampas-ulo na ang mga pagkakamali ko;+Gaya ng mabigat na pasan, hindi ko na kayang dalhin ang mga ito.  5  Ang mga sugat ko ay mabaho at nagnanaknakDahil sa kamangmangan ko.  6  Naghihirap ang kalooban ko at lumong-lumo ako;Buong araw akong naglalakad na malungkot.  7  Napakainit ng pakiramdam ko;*Nanghihina ang buong katawan ko.+  8  Namanhid ako at lubos na nadurog;Napaungol ako nang malakas* dahil sa paghihirap ng puso ko.  9  O Jehova, alam mo ang lahat ng gusto ko,At hindi lingid sa iyo ang pagbubuntonghininga ko. 10  Mabilis ang tibok ng puso ko, nawalan na ako ng lakas,At lumabo na ang paningin ko.*+ 11  Iniiwasan ako ng mga kaibigan at kasama ko dahil sa salot na dinaranas ko,At lumalayo sa akin ang malalapít kong kakilala. 12  Ang mga gustong pumatay sa akin ay nag-uumang ng mga bitag;Ang mga gustong manakit sa akin ay nag-uusap-usap para ipahamak ako;+Buong araw nilang pinag-iisipan ang panlilinlang. 13  Pero gaya ng bingi, hindi ako nakikinig;+At gaya ng pipi, hindi ko ibinubuka ang bibig ko.+ 14  Ako ay naging gaya ng isang taong hindi makarinig,Na ang bibig ay walang masabi para ipagtanggol ang sarili. 15  Dahil naghintay ako sa iyo, O Jehova,+At sinagot mo ako, O Jehova na aking Diyos.+ 16  Dahil sinabi ko: “Huwag nawa silang magsaya sa pagdurusa koO magmataas sa akin kung madulas ako.” 17  Dahil malapit na akong mabuwal,At lagi akong dumaranas ng kirot.+ 18  Ipinagtapat ko ang pagkakamali ko;+Nababagabag ako dahil sa kasalanan ko.+ 19  Pero ang mga kaaway ko ay masigla* at malakas,*Ang mga napopoot sa akin nang walang dahilan ay dumami. 20  Masama ang iginanti nila sa kabutihan ko;Nilalabanan nila ako dahil sinisikap kong gawin ang mabuti. 21  Huwag mo akong iwan, O Jehova. O Diyos, huwag kang manatiling malayo sa akin.+ 22  Magmadali ka at tulungan mo ako,O Jehova, na aking kaligtasan.+

Talababa

Lit., “Walang malusog na bahagi sa laman ko.”
Lit., “Walang kapayapaan sa mga buto ko.”
Lit., “Nag-iinit nang husto ang balakang ko.”
O “Napaungal ako.”
Lit., “nawala na ang liwanag ng mga mata ko.”
Lit., “buháy.”
O posibleng “Pero marami ang umaaway sa akin nang walang dahilan.”

Study Notes

Media