Ezekiel 41:1-26

41  At dinala niya ako sa Banal,* at sinukat niya ang panggilid na mga haligi; anim na siko* ang lapad nito sa isang panig at anim na siko sa kabilang panig. 2  Ang lapad ng pasukan ay 10 siko, at ang lapad ng mga pader* ng pasukan ay 5 siko sa isang panig at 5 siko sa kabila. Sinukat niya ang haba nito, 40 siko, at ang lapad, 20 siko. 3  At pumasok siya sa loob* at sinukat ang lapad ng panggilid na haligi ng pasukan, dalawang siko, at ang lapad ng pasukan ay anim na siko. Ang lapad ng mga pader ng pasukan* ay pitong siko. 4  Pagkatapos, sinukat niya ang silid na nakaharap sa Banal; 20 siko ang haba nito at 20 siko ang lapad.+ At sinabi niya sa akin: “Ito ang Kabanal-banalan.”+ 5  At sinukat niya ang kapal ng pader ng templo, anim na siko. Ang lapad ng panggilid na mga silid sa palibot ng templo ay apat na siko.+ 6  Tatlong palapag ang panggilid na mga silid, at may 30 silid sa bawat palapag. May mga pasimano sa palibot ng pader ng templo na sumasapo sa panggilid na mga silid, kaya hindi na kailangang ukaan ang mismong pader ng templo.+ 7  Sa magkabilang panig ng templo ay may paikot na akyatan* na paluwang nang paluwang habang tumataas ang palapag.+ Habang umaakyat ang isa mula sa unang palapag papunta sa ikalawa at ikatlong palapag, nagiging mas malapad ang mga silid habang tumataas ang palapag. 8  Nakita ko na may isang mataas na plataporma sa buong palibot ng templo, at ang taas ng mga pundasyon ng panggilid na mga silid ay isang buong tambo na anim na siko hanggang sa kanto. 9  Limang siko ang kapal ng panlabas na pader ng panggilid na mga silid. May espasyo* sa labas ng panggilid na mga silid na bahagi ng templo. 10  Ang pagitan ng templo at mga silid-kainan*+ ay 20 siko sa bawat panig. 11  May pasukan sa pagitan ng panggilid na mga silid at ng espasyo, isa sa hilaga at isa sa timog. Ang lapad ng espasyo sa buong palibot ay limang siko. 12  Ang gusaling nasa kanluran at nakaharap sa bakanteng lugar ay may lapad na 70 siko at may habang 90 siko; ang kapal ng buong pader ng gusali ay limang siko. 13  Sinukat niya ang templo, at 100 siko ang haba nito. At 100 siko rin ang haba ng bakanteng lugar at ng gusali* at ng mga pader nito. 14  Ang lapad ng harap ng templo na nakaharap sa silangan at ng bakanteng lugar ay 100 siko. 15  Sinukat niya ang haba ng gusaling nakaharap sa likurang bahagi ng bakanteng lugar, pati ang mga pasilyo nito sa magkabilang panig, at ito ay 100 siko. Sinukat din niya ang Banal, ang Kabanal-banalan,+ at ang mga beranda sa looban, 16  pati ang bungad ng mga ito, ang mga bintanang papakipot ang mga hamba,+ at ang mga pasilyo na nasa tatlong lugar na iyon. Malapit sa bungad ay may mga panel ng kahoy+ mula sa sahig hanggang sa mga bintana; at may takip ang mga bintana. 17  Sinukat ang itaas ng pasukan, loob at labas ng templo, at nakapalibot na pader. 18  Mayroong inukit na mga kerubin+ at puno ng palma;+ may isang puno ng palma sa pagitan ng dalawang kerubin, at bawat kerubin ay may dalawang mukha. 19  Ang mukha ng tao ay nakaharap sa puno ng palma sa isang panig, at ang mukha ng leon ay nakaharap sa puno ng palma sa kabilang panig.+ Ganito ang pagkakaukit sa mga ito sa buong templo. 20  Mula sa sahig hanggang sa itaas ng pasukan ay may inukit na mga kerubin at puno ng palma sa pader ng santuwaryo. 21  Ang mga poste ng pinto* ng santuwaryo ay kuwadrado.+ Sa harap ng banal na lugar* ay may gaya ng 22  isang altar na kahoy+ na ang taas ay tatlong siko at ang haba ay dalawang siko. Mayroon itong mga panulok na poste, at ang paanan* at mga gilid nito ay gawa sa kahoy. At sinabi niya sa akin: “Ito ang mesa na nasa harap ni Jehova.”+ 23  Ang Banal at ang banal na lugar ay may tigdalawang pinto.+ 24  Ang bawat pinto ay may tigdalawang panel na pumipihit. 25  May inukit na mga kerubin at puno ng palma sa mga pinto ng santuwaryo, gaya ng mga nasa pader.+ Mayroon ding bubong* na kahoy sa harap ng beranda sa labas. 26  Mayroon ding mga bintanang papakipot ang mga hamba+ at mga disenyo ng puno ng palma sa magkabilang panig ng beranda, pati sa panggilid na mga silid ng templo at sa mga bubong.

Talababa

Lit., “templo.” Sa kabanata 41 at 42, tumutukoy ito sa Banal, na bahagi ng templo, o kaya ay sa buong santuwaryo (kasama ang Banal at Kabanal-banalan).
Mahabang siko. Tingnan ang Ap. B14.
Lit., “gilid.”
Kabanal-banalan.
Lit., “Ang lapad ng pasukan.”
Malamang na tumutukoy sa paikot na mga hagdanan.
Malamang na isang makitid na pasilyo sa palibot ng templo.
O “silid.”
Ang gusaling nasa kanluran ng santuwaryo.
Lit., “Ang poste ng pinto.” Malamang na tumutukoy sa pasukan ng Banal.
Malamang na tumutukoy sa Kabanal-banalan.
Lit., “kahabaan.”
O “tabing.”

Study Notes

Media