Isaias 60:1-22
60 “Bumangon ka, O babae,+ magpasinag ka ng liwanag, dahil dumating na ang iyong liwanag.
Sumisikat sa iyo ang kaluwalhatian ni Jehova.+
2 Dahil tatakpan ng kadiliman ang lupa,At ng makapal at maitim na ulap ang mga bansa;Pero sisikat sa iyo si Jehova,At makikita sa iyo ang kaluwalhatian niya.
3 Pupunta sa liwanag mo ang mga bansa+At sa nagniningning mong karilagan* ang mga hari.+
4 Tumingin ka sa palibot mo!
Lahat sila ay nagtipon-tipon; papunta sila sa iyo.
Patuloy na dumarating ang mga anak mong lalaki mula sa malayo+At ang mga anak mong babae na karga sa mga bisig.+
5 Sa panahong iyon ay makikita mo ito at magniningning ka,+At bibilis ang tibok ng puso mo at mag-uumapaw sa saya,Dahil dadalhin sa iyo ang yaman ng dagat;Ang yaman ng mga bansa ay mapupunta sa iyo.+
6 Ang lupain mo* ay mapupuno ng kamelyo,Ng mga batang lalaking kamelyo ng Midian at Epa.+
Lahat ng mula sa Sheba —darating sila;Magdadala sila ng ginto at olibano.
Magpapahayag sila ng papuri kay Jehova.+
7 Titipunin sa iyo ang lahat ng kawan ng Kedar.+
Mapapakinabangan mo ang mga lalaking tupa ng Nebaiot.+
Ang mga iyon ay tatanggapin sa altar ko,+At pagagandahin ko ang maluwalhati kong bahay.*+
8 Sino ang mga ito na lumilipad na parang ulap,Parang mga kalapati na papunta sa bahay nila?*
9 Dahil sa akin ay aasa ang mga isla;+Ang mga barko ng Tarsis ay nangunguna,*Dinadala nila ang mga anak mong lalaki mula sa malayo,+Kasama ng kanilang mga pilak at ginto,Papunta sa pangalan ni Jehova na iyong Diyos at sa Banal ng Israel,Dahil luluwalhatiin* ka niya.+
10 Itatayo ng mga dayuhan ang mga pader mo,At ang mga hari nila ay maglilingkod sa iyo,+Dahil sinaktan kita nang magalit ako sa iyo,Pero dahil sa kabutihang-loob ko ay kaaawaan kita.+
11 Ang mga pintuang-daan mo ay pananatilihing bukás;+Hindi isasara ang mga iyon sa araw man o sa gabi,Para madala sa iyo ang yaman ng mga bansa,At ang mga hari nila ang mangunguna.+
12 Dahil anumang bansa o kaharian na hindi maglilingkod sa iyo ay malilipol,At ang mga bansa ay lubusang mawawasak.+
13 Darating sa iyo ang kaluwalhatian ng Lebanon,+Ang puno ng enebro, ang puno ng fresno, at ang sipres nang magkakasama,+Para pagandahin ang lugar ng aking santuwaryo;Luluwalhatiin ko ang tuntungan ng mga paa ko.+
14 Ang mga anak ng mga nagpahirap sa iyo ay darating at yuyukod sa iyo;Ang lahat ng lumalapastangan sa iyo ay susubsob sa paanan mo,At tatawagin ka nilang lunsod ni Jehova,Ang Sion ng Banal ng Israel.+
15 Kahit na itinakwil ka at kinapootan at hindi dinadaanan ninuman,+Gagawin kitang pinagmumulan ng walang-hanggang karangalan,Isang dahilan para magsaya ang lahat ng henerasyon.+
16 At iinumin mo ang gatas ng mga bansa+At ang gatas na mula sa mga hari;+At tiyak na malalaman mo na ako, si Jehova, ang iyong Tagapagligtas,At ang Makapangyarihan ng Jacob ang iyong Manunubos.+
17 Sa halip na tanso ay magdadala ako ng ginto,At sa halip na bakal ay magdadala ako ng pilak,Sa halip na kahoy, tanso,At sa halip na bato, bakal;At aatasan ko ang kapayapaan bilang tagapangasiwa moAt ang katuwiran bilang tagapagbigay-atas mo.+
18 Hindi na maririnig ang karahasan sa lupain moO ang pagkawasak at kagibaan sa loob ng mga hangganan mo.+
At tatawagin mong Kaligtasan ang mga pader mo+ at Papuri ang mga pintuang-daan mo.
19 Hindi na ang araw ang magiging liwanag mo kapag araw,At hindi na ang buwan ang magbibigay sa iyo ng liwanag,Dahil si Jehova ang iyong magiging walang-hanggang liwanag,+At ang iyong Diyos ang magiging kagandahan mo.+
20 Hindi na lulubog ang araw mo,At hindi na lalamlam ang buwan mo,Dahil si Jehova ang magiging iyong walang-hanggang liwanag,+At matatapos na ang mga araw ng pagdadalamhati mo.+
21 At ang buong bayan mo ay magiging matuwid;Magiging pag-aari nila ang lupain magpakailanman.
Sila ang sibol na itinanim ko,Ang gawa ng aking mga kamay,+ para sa kaluwalhatian ko.+
22 Ang munti ay magiging isang liboAt ang maliit ay magiging makapangyarihang bansa.
Ako mismo, si Jehova, ang magpapabilis nito sa takdang panahon nito.”
Talababa
^ O “sa liwanag ng iyong bukang-liwayway.”
^ Lit., “Ikaw.”
^ O “ang aking bahay ng kagandahan.”
^ O “sa mga pasukan ng bahay ng ibon?”
^ O “pagagandahin.”
^ O “ay gaya noong una.”