Agosto 26–Setyembre 1
AWIT 78
Awit Blg. 97 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)
1. Di-katapatan ng Israel—Babalang Halimbawa
(10 min.)
Nalimutan ng Israel ang kamangha-manghang mga gawa ni Jehova (Aw 78:11, 42; w96 12/1 29)
Hindi pinahalagahan ng Israel ang mga ibinigay ni Jehova (Aw 78:19; w06 7/15 17 ¶16)
Hindi natuto ang mga Israelita sa mga pagkakamali nila at patuloy pa rin silang hindi naging tapat (Aw 78:40, 41, 56, 57; w11 7/1 10 ¶3-4)
PARA SA PAGBUBULAY-BULAY: Ano ang makakatulong sa atin para makapanatiling tapat kay Jehova?
2. Espirituwal na Hiyas
(10 min.)
-
Aw 78:24, 25—Bakit tinawag na “butil mula sa langit” at “tinapay ng mga makapangyarihan” ang manna? (w06 7/15 11 ¶4)
-
Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?
3. Pagbabasa ng Bibliya
(4 min.) Aw 78:1-22 (th aralin 5)
4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(3 min.) BAHAY-BAHAY. Mag-alok ng pag-aaral sa Bibliya. (lmd aralin 5: #5)
5. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(3 min.) BAHAY-BAHAY. Gumamit ng tract sa pagpapasimula ng pakikipag-usap. Mag-alok ng pag-aaral sa Bibliya. (lmd aralin 5: #4)
6. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(1 min.) BAHAY-BAHAY. Sinabi ng kausap mo na nagmamadali siya. Mag-alok ng pag-aaral sa Bibliya. (lmd aralin 2: #5)
7. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(4 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Sa natural na paraan, ipaalam sa kausap mo na isa kang Saksi ni Jehova nang hindi binabanggit ang Bibliya, at mag-alok ng pag-aaral sa Bibliya. (lmd aralin 2: #4)
Awit Blg. 96
8. Matuto sa Halimbawa ni Felipe na Ebanghelisador
(15 min.) Pagtalakay.
Marami tayong makikitang magaganda at masasamang halimbawa sa Bibliya. Kailangan natin ng panahon at pagsisikap para matuto sa mga iyon. Dapat din nating pag-isipang mabuti ang mga aral na natututuhan natin at gumawa ng mga pagbabago.
Kilala si Felipe bilang ebanghelisador na “puspos ng espiritu at karunungan.” (Gaw 6:3, 5) Ano ang mga matututuhan natin sa halimbawa niya?
I-play ang VIDEO na Matuto sa Kanilang Halimbawa—Felipe na Ebanghelisador. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig kung ano ang natutuhan nila sa sumusunod:
-
Sa ginawa ni Felipe nang biglang magbago ang kalagayan niya.—Gaw 8:1, 4, 5
-
Sa pagpapalang tinanggap ni Felipe dahil handa siyang pumunta sa lugar na malaki ang pangangailangan.—Gaw 8:6-8, 26-31, 34-40
-
Sa pakinabang na nakuha ni Felipe at ng pamilya niya dahil naging mapagpatuloy sila.—Gaw 21:8-10
-
Sa kagalakang nadama ng pamilya sa video dahil sa pagsunod sa halimbawa ni Felipe
9. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya
(30 min.) bt kab. 14 ¶11-20