Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pangalan ng Diyos (naka-highlight) na nasa isang sinaunang manuskrito ng Bibliya

Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

May pangalan ba ang Diyos?

SINASABI NG ILAN na wala siyang pangalan, Diyos o Panginoon naman ang sabi ng iba, at ayon pa sa iba, marami siyang pangalan. Ano sa palagay mo?

ANG SABI NG BIBLIYA

“Ikaw, na ang pangalan ay Jehova, ikaw lamang ang Kataas-taasan sa buong lupa.”—Awit 83:18.

ANO PA ANG MATUTUTUHAN NATIN SA BIBLIYA?

  • Bagaman maraming titulo ang Diyos, iisang pangalan lang ang ibinigay niya sa kaniyang sarili.—Exodo 3:15.

  • Ang Diyos ay hindi isang misteryo; gusto niyang makilala natin siya.—Gawa 17:27.

  • Ang pag-alam sa pangalan ng Diyos ang unang hakbang para maging kaibigan niya.—Santiago 4:8.

Mali bang bigkasin ang pangalan ng Diyos?

ANO ANG SAGOT MO?

  • Oo

  • Hindi

  • Depende

ANG SABI NG BIBLIYA

“Huwag mong gagamitin ang pangalan ni Jehova na iyong Diyos sa walang-kabuluhang paraan.” (Exodo 20:7) Maling gamitin ang pangalan ng Diyos kung lalapastanganin mo lang ito.—Jeremias 29:9.

ANO PA ANG MATUTUTUHAN NATIN SA BIBLIYA?

  • Alam ni Jesus ang pangalan ng Diyos at ginamit niya ito.—Juan 17:25, 26.

  • Inaanyayahan tayo ng Diyos na tumawag sa kaniyang pangalan.—Awit 105:1.

  • Ginagawa ng mga kaaway ng Diyos ang lahat para malimutan ng mga tao ang pangalan Niya.—Jeremias 23:27.