Mahal Tayo ng Ating Maylalang
1. PINASISIKAT NG MAYLALANG ANG ARAW
Paano kaya ang buhay sa mundo kung walang araw? Ang araw ang nagbibigay ng enerhiya para makagawa ang mga puno ng dahon, bulaklak, bunga, at buto. Dahil din dito, nakakaakyat ang tubig mula sa ugat ng puno papunta sa mga dahon nito. Pagkatapos, ang tubig sa dahon ay nagiging singaw.
2. NAGPAPAULAN ANG MAYLALANG
Dahil sa regalo ng Diyos na ulan, nakakagawa ang lupa ng pagkain para sa atin. Nagbibigay ang Diyos ng ulan mula sa langit, mabubungang panahon, at saganang pagkain, at pinapasaya niya ang puso natin.
3. NAGBIBIGAY ANG MAYLALANG NG PAGKAIN AT DAMIT
Maraming ama ang nag-aalala kung paano mabibigyan ng sapat na pagkain at damit ang pamilya nila. Pero pansinin ang sinabi ng Kasulatan: “Tingnan ninyong mabuti ang mga ibon sa langit; hindi sila nagtatanim o umaani o nagtitipon sa kamalig, pero pinakakain sila ng inyong Ama sa langit. Hindi ba mas mahalaga kayo kaysa sa kanila?”—Mateo 6:25, 26.
“Matuto kayo mula sa mga liryo na tumutubo sa parang . . . ; pero sinasabi ko sa inyo na kahit si [Haring] Solomon, sa kabila ng karangyaan niya, ay hindi nakapagdamit na gaya ng isa sa mga ito. Kung ganito dinaramtan ng Diyos ang pananim, . . . hindi ba mas gugustuhin niyang damtan kayo?”—Mateo 6:28-30.
Kung kaya tayong bigyan ng Diyos ng pagkain at damit, siguradong mabibigyan din niya tayo ng iba pa nating pangangailangan. Kapag sinisikap nating gawin ang kalooban ng Diyos, pagpapalain niya ang mga ginagawa natin para magkaroon ng pagkain o makakuha ng trabaho at mabili ang mga kailangan natin.—Mateo 6:32, 33.
Kapag pinag-isipan natin ang tungkol sa araw, ulan, mga ibon, at bulaklak, talagang mamahalin natin ang Diyos. Sa susunod na artikulo, aalamin natin kung paano nakikipag-usap ang Maylalang sa mga tao.