Alam Mo Ba?
Paano dinadala ang apoy noong sinaunang panahon?
SINASABI ng ulat sa Genesis 22:6 na para makapaghanda ng handog sa malayong lugar, si Abraham ay kumuha ng “kahoy ng handog na sinusunog at ipinasan iyon kay Isaac na kaniyang anak at dinala sa kaniyang mga kamay ang apoy at ang kutsilyong pangkatay, at silang dalawa ay yumaong magkasama.”
Sa Kasulatan, walang sinasabing pamamaraan ng pagsisindi ng apoy noong sinaunang panahon. May kinalaman sa ulat na nabanggit, naniniwala ang isang komentarista na ang apoy ay “parang imposibleng mapanatiling nagliliyab sa gayon kahabang paglalakbay” nina Abraham at Isaac. Kaya malamang na ang tinutukoy rito ay kagamitan para makapagpaapoy.
Pero sinasabi naman ng iba na noong sinaunang panahon, hindi madaling magsindi ng apoy. Mas madali para sa mga tao noon kung makahihingi sila ng baga sa kanilang mga kapitbahay kaysa sa magsindi ng apoy. Kaya naniniwala ang ilang iskolar na ang dinala ni Abraham ay isang sisidlan—marahil isang palayok na nakabitin sa tanikala—na naglalaman ng nagbabagang uling galing sa sigâ nang nagdaang gabi. (Isa. 30:14) Sa ganitong paraan, ang mga bagang iyon ay puwedeng gamitin para magsindi ng apoy kung gagatungan ito ng tuyong kahoy sa panahon ng paglalakbay.