Alam Mo Ba?
Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 27. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.)
1. Saan inutusan ni Jesus na maghugas ang bulag na lalaki upang makakita ito? (Juan 9:7)
2. Saan hinamon ni Satanas na magpatihulog si Jesus para masagip siya ng mga anghel? (Mateo 4:5, 6)
3. Bakit namanhik ang pulutong ng mga tao kay Jesus na “mahipo man lamang nila ang palawit ng kaniyang panlabas na kasuutan”? (Mateo 14:35, 36)
4. Anong sangkap noong sinaunang panahon ang ginagamit hindi lamang bilang panlaba sa damit kundi pantunaw rin sa mga metal na gaya ng tingga at pilak? (Isaias 1:25)
5. Anong mga pangalan ang ibinigay sa panganay na anak na lalaki ni Rebeka, at bakit? (Genesis 25:25, 30)
6. Anong mga kahilingan ang itinakda ni Jehova para sa pagpili ng 12 espiya na ipadadala sa lupain ng Canaan? (Bilang 13:2)
7. Saang bansa isinulat ni Pablo ang kaniyang liham para sa mga Hebreo? (Hebreo 13:24)
8. Anong buwan sa kalendaryong Judio natapos ni Solomon ang pagtatayo ng templo? (1 Hari 6:38)
9. Sino ang dalawang lalaki na umalalay sa mga kamay ni Moises hanggang sa naibigay ni Jehova ang tagumpay sa Israel laban sa mga Amalekita? (Exodo 17:12)
10. Anong insekto ang kilala sa pagiging masipag nito at pagkakaroon ng likas na karunungan? (Kawikaan 6:6)
11. Sa halip na pumunta sa Nineve gaya ng iniutos ni Jehova, saan sinikap ni Jonas na tumakas? (Jonas 1:2, 3)
12. Saan itinayo ni Moises ang tabernakulo? (1 Cronica 21:29)
13. Yamang walang nakalaang lupa para sa kanila, paano napaglalaanan ang mga Levita? (Bilang 18:21)
14. Sa araw ng kaniyang pagkabuhay-muli, saan nagpakita si Jesus kay Cleopas at sa isang alagad? (Lucas 24:13)
15. Sino ang pinili ni Jehova na maging punong mga artisano sa pagtatayo ng tabernakulo? (Exodo 31:1-11)
16. Sa anong termino madalas tukuyin ni Pablo ang mga nagpapagal na kasama niya? (Filipos 4:3)
17. Bakit inutusan ni Jehova ang mga Israelita na maglagay ng panggilid na palawit na may panaling asul sa ibabaw nito sa mga laylayan ng kanilang mga kasuutan? (Bilang 15:37-40)
18. Anong kahoy ang ginamit sa dalawang kerubin at sa mga pinto ng Kabanal-banalang Dako? (1 Hari 6:23, 31)
19. Gaya ng iniulat ni Zacarias, anong mga pananalita ang ginamit ni Jehova para ilarawan kung ano ang Kaniyang nadarama kapag sinisiil ang bayan Niya? (Zacarias 2:8)
20. Sino ang ama ni Jezebel? (1 Hari 16:31)
21. Bakit sinikap ni Pilato na palayain si Jesus? (Lucas 23:4)
Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
1. Sa tipunang-tubig ng Siloam
2. Sa ibabaw ng moog ng templo
3. Ibig nilang mapagaling sa kanilang mga karamdaman
4. Lihiya (sodium carbonate o potassium carbonate)
5. “Esau” dahil sa di-pangkaraniwang mabalbon na hitsura niya pagkasilang sa kaniya at “Edom” dahil sa pulang nilagang lentehas na ipinagpalit niya sa kaniyang pagkapanganay
6. “Isang lalaki para sa bawat tribo ng kaniyang mga ama, bawat isa ay pinuno sa kanila”
7. Italya
8. Bul, ang ikawalong buwan sa sagradong kalendaryo
9. Aaron at Hur
10. Ang langgam
11. Tarsis
12. Sa ilang
13. Ikasampung bahagi ng mga tanim sa lupa at binibigyan sila ng mga baka ng iba pang tribo
14. Sa daan patungong Emaus
15. Bezalel at Oholiab
16. “Mga kamanggagawa ko”
17. Para ipaalaala sa kanila na sila’y mga taong banal kay Jehova at dapat sumunod sa kaniyang mga utos
18. Kahoy ng punong-langis
19. “Siya na humihipo sa inyo ay humihipo sa itim ng aking mata”
20. Etbaal, ang hari ng mga Sidonio
21. Wala siyang nasumpungang krimen sa kaniya