Alam Mo Ba?
Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 19. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.)
1. Bagaman hindi binanggit ang eksaktong dami, hiniling ni Jehova na ihain sa kaniya ng bansang Israel ang pinakamainam ng ano? (Exodo 23:19)
2. Dahil nagtatamasa ang bayan ng Diyos ng kasaganaan at waring wala itong proteksiyon, sino ang naakit na sumalakay sa kanila? (Ezekiel 38:10-12, 14-16)
3. Dahil umaasa siyang makakuha ng suhol mula kay Pablo, sinong opisyal ang nagpabilanggo sa apostol sa loob ng dalawang taon sa Cesarea? (Gawa 24:26, 27)
4. Ano ang dapat isigaw ng mga ketongin sa Israel upang babalaan ang iba na lumayo at hindi mahawa? (Levitico 13:45)
5. Anong palatandaan ang inilagay ni Jacob sa libingan ni Raquel? (Genesis 35:20)
6. Bakit dinala ni Jehova sa pagkatapon ang mga Israelita sa maraming pagkakataon? (2 Hari 18:11, 12)
7. Sa halip na katibayan ng karunungan mula sa itaas, ano ang paninibugho, hilig na makipagtalo, at pagsisinungaling laban sa katotohanan ayon kay Santiago? (Santiago 3:15)
8. Anong puno ang hiniling ni Solomon kay Haring Hiram para sa pagtatayo ng templo at sa paggawa ng mga alpa at mga panugtog na de-kuwerdas? (1 Hari 10:11, 12)
9. Sinu-sino ang tatlong taong iniutos ni Jehova na pahiran ni Elias? (1 Hari 19:15, 16)
10. Sino ang punong saserdote “para sa bawat bagay ni Jehova” noong panahon ng paghahari ni Jehosapat? (2 Cronica 19:11)
11. Pinayuhan ni Pablo si Timoteo na sanayin ang sarili nito sa anong tunguhin? (1 Timoteo 4:7)
12. Sinong Paraon ng Ehipto ang natalo ni Nabucodonosor sa Carkemis noong paghahari ni Haring Jehoiakim ng Juda? (Jeremias 46:2)
13. Dahil sa katinuan ni Abigail, anong malubhang bagay ang naiwasan ni David? (1 Samuel 25:31)
14. Anong iba pang salita ang ginamit sa Bibliya upang tumukoy sa mga ibon? (Genesis 1:26)
15. Bakit ipinapayo ng aklat ng Kawikaan ang hindi pagdalaw nang sobrang dalas sa tahanan ng iba? (Kawikaan 25:17)
16. Gaya ng nabanggit ni Pedro, ang pagsupil sa anong bahagi ng katawan ang may malaking papel sa pagtatamo ng lingap ni Jehova? (1 Pedro 3:10-12)
17. Anong hayop ang nagsilbing handog ukol sa pagtatalaga para sa Aaronikong pagkasaserdote? (Levitico 8:22-28)
18. Bakit ipinagbawal ng Diyos sa mga Israelita na magtato ng kanilang katawan? (Levitico 19:28)
19. Ano ang ipinangalan ni Jacob sa lugar kung saan sila gumawa ng tipan ng kapayapaan ni Laban? (Genesis 31:43-53)
20. Ano ang unang himala ni Jesus? (Juan 2:7-11)
Mga Sagot sa Pagsusulit
1. Ang mga unang hinog na bunga ng lupa
2. Si Gog
3. Si Felix, prokurador ng Judea
4. “Marumi, marumi!”
5. Naglagay siya ng isang haligi sa ibabaw nito
6. Hindi sila naging tapat sa ipinakipagtipan nila sa kaniya
7. “Makalupa, makahayop, makademonyo”
8. Algum
9. Si Hazael bilang hari sa Sirya, si Jehu bilang hari sa Israel, at si Eliseo bilang propeta na kahalili niya
10. Si Amarias
11. Upang makapaglinang ng “makadiyos na debosyon”
12. Si Neco
13. Pagpasok sa pagkakasala sa dugo
14. “Mga lumilipad na nilalang”
15. Upang hindi sila magsawa sa iyo at magsimulang kapootan ka
16. Dila
17. Barakong tupa
18. Upang mapaiba sila sa ibang mga bansa at ipaunawa sa kanila ang angkop na paggalang sa katawan ng tao bilang nilikha ng Diyos, na gagamitin sa pagpaparangal sa kaniya
19. Galeed (na nakilala nang bandang huli bilang Gilead)
20. Ginawang alak ang tubig