Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Paano Mo Sasagutin?

Paano Mo Sasagutin?

Paano Mo Sasagutin?

IPALIWANAG ANG TALINGHAGA

1. Sa talinghaga ni Jesus na nakaulat sa Mateo 18:12-14, ano ang nangyari sa isang tupa?

․․․․․․․․․․․

2. Ano ba ang isang pastol?

․․․․․․․․․․․

3. Ano ang nadama ng pastol nang masumpungan niya ang kaniyang hinahanap?

․․․․․․․․․․․

Para sa Talakayan: Sa anong paraan katulad ng pastol si Jehova? Sa anong paraan katulad ka ng isang tupa?

KAILAN ITO NANGYARI?

Sabihin kung sino ang (mga) sumulat ng bawat aklat ng Bibliya sa ibaba, at gumuhit ng linya na magdurugtong sa aklat at sa tinatayang petsa kung kailan ito natapos.

Pagkatapos ng 443 B.C.E. Bago ang 62 C.E. Pagkatapos ng 70 C.E.

455 B.C.E. 64 C.E.

4. Malakias

5. Santiago

6. 2 Pedro

SINO AKO?

7. Sinabi ni Santiago na ipinahayag akong matuwid dahil magiliw kong tinanggap ang mga mensahero.

SINO AKO?

8. Pinsan ako ni Bernabe, at tinawag ako ni Pedro na kaniyang anak.

MULA SA ISYUNG ITO

Sagutin ang mga tanong na ito, at isulat ang nawawalang (mga) talata sa Bibliya.

Pahina 8 Ano ang sinabi ni Job tungkol sa lupa? (Job 26:____)

Pahina 11 Paano itinuring ng unang mga Kristiyano ang Banal na Kasulatan? (1 Tesalonica 2:____)

Pahina 12 Ano ang ipinasulat sa mga hari ng Israel? (Deuteronomio 17:____)

Pahina 28 Ano ang ipinayo ng Bibliya na patutunayan mo sa iyong sarili? (Roma 12:____)

Mga Bata, Hanapin ang Larawan

Saang mga artikulo makikita ang mga larawang ito? Masasabi mo ba kung ano ang nangyayari sa bawat larawan?

(Nasa pahina 27 ang mga sagot)

MGA SAGOT SA PAHINA 31

1. Nawala ito.

2. Isang tao na umaakay at nangangalaga sa kawan ng mga tupa.

3. Nagsaya siya.

4. Malakias, pagkatapos ng 443 B.C.E.

5. Santiago, bago ang 62 C.E.

6. Pedro, 64 C.E.

7. Rahab.​—Santiago 2:25.

8. Marcos.​—Colosas 4:10; 1 Pedro 5:13.