Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Ipapahamak ba ng Tao ang Lupang Ito?”

“Ipapahamak ba ng Tao ang Lupang Ito?”

“Ipapahamak ba ng Tao ang Lupang Ito?”

● Kung titingnan mula sa kalawakan, ang planetang Lupa ay gaya ng isang hiyas na kulay asul at puti. Pero sa malapitan, nanganganib ang ating tahanan. Bakit? Naging pabaya kasi ang mga taong nakatira dito. Ipinapahamak din nila ang lupa sa pamamagitan ng polusyon, pagkalbo sa kagubatan, at pag-abuso sa kalikasan. Bukod diyan, ipinapahamak nila ito sa moral at espirituwal na paraan sa pamamagitan ng karahasan, pagpapatayan, at seksuwal na imoralidad.

Ang masasamang kalagayang ito sa lupa ay inihula sa Bibliya mga dalawang libong taon na ang nakalilipas. (2 Timoteo 3:1-5; Apocalipsis 11:18) Inihula rin sa Bibliya na ang Diyos​—hindi ang sinumang tao​—ang lubusang magtutuwid ng mga ito. Ang mahahalagang puntong iyan ay tatalakayin sa pahayag pangmadla na “Ipapahamak ba ng Tao ang Lupang Ito?” sa “Dumating Nawa ang Kaharian ng Diyos!” na Pandistritong Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova. Nagsimula ito noong Mayo sa Estados Unidos, at nagpapatuloy sa buong daigdig.

Malugod ka naming inaanyayahang dumalo sa kombensiyong pinakamalapit sa iyo. Para sa mga detalye, pakisuyong makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar, o sumulat sa mga tagapaglathala ng magasing ito. Makikita sa Web site na www.mt1130.com ang listahan ng mga lokasyon ng kombensiyon sa Pilipinas.