MGA BANSA AT MGA TAO
Pagbisita sa Panama
KILALÁ ang Panama dahil sa kanal nito na nagdurugtong sa mga karagatang Atlantiko at Pasipiko. Pero dahil pinag-uugnay nito ang Hilaga at Timog Amerika, pinag-uugnay din ng Panama ang mga tao. Makikita rito ang iba’t ibang lahi at kultura. Karamihan ng tagarito ay nagmula sa lahi ng mga katutubo at Europeo.
Noong 1501, nang makarating sa Panama ang mga manggagalugad na Kastila, nakita nila ang maraming lahi ng mga katutubo. Ang ilan sa mga ito ay umiiral pa rin hanggang ngayon. Isa rito ang Guna (dating tinatawag na Kuna). Marami sa mga Guna ang naninirahan sa lugar ng mga katutubo sa San Blas Archipelago at sa Baybayin ng Carribean malapit sa border ng Panama at Colombia. Doon, sila ay nangangaso, nangingisda sakay ng mga dugout canoe, at nagtatanim ng sariling pagkain.
Kapag nag-asawa ang isang lalaking Guna, pumipisan siya sa pamilya ng kaniyang asawa at nagtatrabaho para sa kanila. Kung magkaanak sila ng babae, puwede na silang bumukod ng tirahan at magsarili.
May mga 300 kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova sa Panama. Bukod sa wikang Kastila, ang mga pulong ay idinaraos din sa Gujarati, Guna, Haitian Creole, Ingles, Ngabere, Panamanian Sign Language, at Tsino.