INTERBYU | ELDAR NEBOLSIN
Ang Paniniwala ng Isang Classical Pianist
Si Eldar Nebolsin na taga-Uzbekistan ay isang kilaláng piyanista sa daigdig. Nakatugtog na siya bilang soloista kasama ng mga orkestra sa London, Moscow, St. Petersburg, New York, Paris, Rome, Sydney, Tokyo, at Vienna. Lumaki si Eldar sa Unyong Sobyet bilang ateista. Pero nang maglaon, napatunayan niyang ang tao ay gawa ng isang maibiging Maylalang. Ininterbyu siya ng Gumising! tungkol sa kaniyang musika at paniniwala.
Paano ka naging piyanista?
Parehong piyanista ang mga magulang ko. Sinimulan nila akong turuan noong limang taon ako. Nang maglaon, nag-aral ako sa advanced school of music sa Tashkent.
Ano ang mga hamon sa pagtugtog kasama ng orkestra?
Iba-iba ang bawat orkestra. Ang mga ito ay parang malalaking instrumento sa musika na “tinutugtog” ng kani-kanilang konduktor. Siguro, ang pinakamalaking hamon para sa isang soloista ay ang balanseng inter-aksiyon sa konduktor. Para itong pag-uusap ng magkaibigan
Gaano ka katagal magpraktis?
Mga tatlong oras sa isang araw
Para sa iyo, ano ang katangian ng isang mahusay na piyanista?
Kaya niyang “pakantahin” ang piyano. Ganito iyan. Ang piyano ay isang uri ng percussion instrument. Pagkatipa sa teklado, unti-unti nang hihina ang tunog nito
Talagang napakahilig mo sa musika.
Para sa akin, sa pamamagitan ng musika, maitatawid mo at mapupukaw ang mga damdaming mahirap o imposibleng ipahayag sa salita.
Paano ka naman nagkainteres na mag-aral ng Bibliya?
Sa bahay namin, napakaraming aklat ang iniuuwi ni Itay mula sa Moscow. Ang isang aklat na nagustuhan ko ay may mga kuwento ng Bibliya tungkol sa pasimula ng kasaysayan at mga karanasan ng mga Israelita. Nakita ko rin ang aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova. * Humanga ako sa malinaw na pagkakaharap nito sa mga turo ng Bibliya. Nang pumunta ako sa Spain noong 1991 para mag-aral ng musika, dinala ko ang aklat na iyon at ilang beses kong binasa. Natuklasan ko ang isang pananampalatayang hindi lang salig sa emosyon kundi sa mahusay na pangangatuwiran at nakakakumbinsing ebidensiya.
Sa lahat ng turo, nagkainteres ako sa pangako ng Bibliya na puwedeng mabuhay magpakailanman sa lupa ang mga tao. Talagang makatuwiran iyan! Siyanga pala, wala pa akong nakakausap na Saksi ni Jehova noon. Pero ang sabi ko sa sarili ko, ’pag may nakausap akong Saksi, magpapaturo ako ng Bibliya.
Paano mo natagpuan ang mga Saksi?
Ilang araw matapos kong sabihin iyon, nakakita ako ng dalawang babae na may dalang Bibliya. ‘Katulad sila ng mga taong nabasa ko sa aklat,’ ang naisip ko. ‘Nangangaral sila gaya ng mga Kristiyano noong panahon ng Bibliya.’ Di-nagtagal, nakipag-aral na ako ng Bibliya sa isang Saksi. Sa ngayon, ang talagang nagpapasaya sa akin ay ang pagtulong sa iba na matuto tungkol sa ating Maylalang.
Dati kang ateista. Ano ang nakakumbinsi sa iyo na maniwala sa Maylalang?
Ang musika. Halos lahat ng tao, nasisiyahan sa musika
Ang Bibliya ay parang isang symphony na napakaganda ng pagkakagawa, napakahusay ng areglo, at may nakaaantig na mensahe para sa sangkatauhan
Ano ang nakakumbinsi sa iyo na ang Bibliya ay mula sa Diyos?
Ang Bibliya ay koleksiyon ng 66 na maliliit na aklat na isinulat ng mga 40 lalaki sa loob ng mga 1,600 taon. Naitanong ko sa sarili ko, ‘Sino ang nangasiwa sa pagsulat ng nagkakasuwatong obra maestrang ito?’ Ang tanging makatuwirang sagot ay ang Diyos. Para sa ’kin, ang Bibliya ay parang isang symphony na napakaganda ng pagkakagawa, napakahusay ng areglo, at may nakaaantig na mensahe para sa sangkatauhan.
^ par. 15 Sa ngayon, ginagamit ng mga Saksi ni Jehova sa pagtuturo ng Bibliya ang aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Makikita ito sa www.mt1130.com/tl.