Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 MAY NAGDISENYO BA NITO?

Ang Ilaw ng Alitaptap na Photuris

Ang Ilaw ng Alitaptap na Photuris

MAY isang uri ng alitaptap na Photuris na ang ilaw, o parte ng katawan na pinagmumulan ng liwanag, ay nababalot ng patung-patong na mga kaliskis na nagpapatindi sa liwanag na inilalabas ng insektong ito. *

Patung-patong na mga kaliskis

Pag-isipan ito: Natuklasan ng mga mananaliksik na ang pagkaliliit na kaliskis na nakabalot sa ilaw ng ilang alitaptap ay parang magkakapatong na tisa. Ang dulo ng mga kaliskis ay nakaangat lang nang 3 mikrometro—wala pang 5 porsiyento ng kapal ng hibla ng buhok ng tao. Pero dahil diyan, halos 50 porsiyentong mas maliwanag ang ilaw nito kaysa kung nakalapat ang mga kaliskis!

Makatutulong ba ang konseptong ito para mapahusay ang mga light-emitting diode (LED), na ginagamit sa mga elektronikong kagamitan? Para malaman ito, nilagyan ng mga siyentipiko ang mga LED ng uka-ukang balot na gaya ng sa ilaw ng alitaptap. Ang resulta? Ang mga LED ay naglabas nang hanggang 55 porsiyentong dagdag na liwanag! Ganito ang sabi ng pisikong si Annick Bay: “Ang pinakamahalagang aspekto ng pag-aaral na ito ay na ipinakikita nito kung gaano karami ang matututuhan natin kapag inobserbahang mabuti ang kalikasan.”

Ano sa palagay mo? Ang ilaw ba ng mga alitaptap na Photuris ay resulta ng ebolusyon? O may nagdisenyo nito?

^ par. 3 Hindi pa napag-aaralan ng mga siyentipiko ang lahat ng uri ng alitaptap na ito.