ANG PANGMALAS NG BIBLIYA
Mga Imahen
Milyon-milyong deboto ang nagpapakundangan sa mga imahen bilang bahagi ng kanilang pagsamba. Pero sinasang-ayunan ba ito ng Bibliya? Natutuwa kaya rito ang Diyos?
Nagpakundangan ba sa mga imahen ang tapat na mga Judio noong panahon ng Bibliya?
“Huwag kang gagawa para sa iyo ng inukit na imahen o ng anyo na tulad ng anumang nasa langit sa itaas o nasa lupa sa ibaba o nasa tubig sa ilalim ng lupa. Huwag mong yuyukuran ang mga iyon ni maganyak ka man na paglingkuran ang mga iyon.”
—Exodo 20:4, 5.
Ang pagpapakundangan sa mga imahen ay hinahatulan sa Hebreong Kasulatan, na kilalá sa tawag na Lumang Tipan
ANG SABI NG MGA REPERENSIYA
Ayon sa New Catholic Encyclopedia, maraming imahen ang mga Judio na nauugnay sa kanilang pagsamba “at ang mga larawang ito ay pinarangalan, pinagpitaganan, at pinakundanganan.” * Bilang halimbawa, binanggit ng ensayklopidiyang iyan ang maraming nakaukit na prutas, bulaklak, at hayop na nakapalamuti sa templo sa Jerusalem.
ANG DAPAT MONG MALAMAN
Salungat sa sinasabi ng New Catholic Encyclopedia, ang tapat na mga Judio ay hindi nagpakundangan sa mga ukit o larawan na nasa templo. Sa katunayan, wala tayong mababasa sa Bibliya na ang isang tapat na Israelita ay gumagamit ng imahen sa pagsamba.
ANG SABI NG BIBLIYA
“Sa kaninuman ay hindi ko ibibigay ang aking kaluwalhatian,” ang sabi ng Diyos sa pamamagitan ni propeta Isaias, “ni ang aking kapurihan man sa mga nililok na imahen.”
Gumamit ba ng mga imahen ang unang mga Kristiyano sa kanilang pagsamba?
“Anong pakikipagkasundo mayroon ang templo ng Diyos sa mga idolo? . . . Tigilan na ninyo ang paghipo sa maruming bagay.”
—2 Corinto 6:16, 17.
“Ang sinaunang mga Kristiyano ay tunay na mangingilabot kahit na lamang sa pagmumungkahing maglagay ng mga imahen sa mga simbahan, at ituturing nilang ang pagyukod o pananalangin sa harap ng mga iyan ay idolatriya na rin.”
—History of the Christian Church
ANG SABI NG MGA REPERENSIYA
“Ang paggamit ng mga imahen sa unang Kristiyanong pagsamba ay hindi makatuwirang kuwestiyunin sa ngayon,” ang sabi ng New Catholic Encyclopedia. “Ang katakumba ng mga Kristiyano ay mistulang mga galerya para sa sining ng mga unang Kristiyano. . . . Mayroon pa ngang mga tauhan sa alamat na nakapalamuti sa sagradong mga silid na sambahan at libingan.” *
ANG DAPAT MONG MALAMAN
Ang pinakamatatandang imahen na natagpuan sa mga katakumbang ito
ANG SABI NG BIBLIYA
“Tumakas kayo mula sa idolatriya.”
Puwede bang gamitin ang mga imahen kahit pantulong lang sa pagsamba?
“Bantayan ninyo ang inyong sarili mula sa mga idolo.”
—1 Juan 5:21.
Ang pagpapakundangan sa mga imahen ay isang relihiyosong kaugalian na hindi sinusuportahan ng Bibliya. Kaya naman hindi ito ginagawa ng mga Saksi ni Jehova, at wala silang mga imahen sa kanilang bahay o lugar ng pagsamba
ANG SABI NG MGA REPERENSIYA
“Yamang ang pagsamba na iniuukol sa isang imahen ay nakararating at nagwawakas sa personang inilalarawan, ang ganitong pagsamba na nauukol sa isang persona ay maaari na ring iukol sa larawan na kumakatawan sa personang iyon,” ang sabi ng New Catholic Encyclopedia.
ANG DAPAT MONG MALAMAN
Nang turuan ni Jesus ang kaniyang mga alagad kung paano manalangin, hindi niya sila sinabihang gumamit ng imahen. Ang mismong ideya ng paggamit ng imahen sa pagsamba sa tunay na Diyos ay wala sa Kristiyanong Griegong Kasulatan.
ANG SABI NG BIBLIYA
“Si Jehova na iyong Diyos ang sasambahin mo, at sa kaniya ka lamang mag-uukol ng sagradong paglilingkod.”
^ par. 7 Binigyang-kahulugan ng New Catholic Encyclopedia ang pagpapakundangan bilang “isang relihiyosong gawa, isang gawang pagsamba.”
^ par. 13 Sa kontekstong ito, kasama sa mga imahen ang mga larawan, poon, estatuwa, simbolo, at anumang bagay na pinakukundanganan.
^ par. 14 Ang paggamit ng mga imahen ay karaniwan na sa mga sinaunang kultura, gaya ng sa Ehipto, Gresya, at India.