Mahalagang Malaman ang Sagot
Bakit mahalagang malaman mo na mayroong Maylalang? Kung makukumbinsi ka ng mga ebidensiya na mayroong Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat, gugustuhin mo ring suriin ang mga ebidensiya na ang Bibliya ay galing sa kaniya. At kung magtitiwala ka sa Bibliya, siguradong mapapabuti ka.
Magiging mas makabuluhan ang buhay mo
ANG SABI NG BIBLIYA: “Gumawa [ang Diyos] ng mabuti at binigyan kayo ng ulan mula sa langit at mabubungang panahon at saganang pagkain, at pinasaya niya nang lubos ang puso ninyo.”—Gawa 14:17.
IBIG SABIHIN: Lahat ng bagay na nagpapasaya sa iyo ay regalo ng Maylalang. At mas mapapahalagahan mo ang mga regalong ito kung malalaman mo kung gaano ka niya kamahal.
Makikinabang ka sa maaasahang mga payo
ANG SABI NG BIBLIYA: “Maiintindihan mo kung ano ang matuwid, makatarungan, at patas, ang landas ng kabutihan.”—Kawikaan 2:9.
IBIG SABIHIN: Dahil ang Diyos ang iyong Maylalang, alam niya ang magpapasaya sa iyo. Kung susuriin mo ang Bibliya, makikinabang ka sa mga matututuhan mo.
Masasagot ang mga tanong mo sa buhay
ANG SABI NG BIBLIYA: “Matatagpuan mo ang kaalaman tungkol sa Diyos.”—Kawikaan 2:5.
IBIG SABIHIN: Makakatulong ang paniniwala sa Maylalang para malaman mo ang sagot sa mga tanong na gaya ng: Bakit tayo nabubuhay? Bakit tayo nagdurusa? Ano ang nangyayari sa atin kapag namatay tayo? Nasa Bibliya ang nakakakumbinsing mga sagot.
Magkakaroon ka ng pag-asa sa hinaharap
ANG SABI NG BIBLIYA: “‘Alam na alam ko ang gusto kong gawin para sa inyo,’ ang sabi ni Jehova. ‘Bibigyan ko kayo ng kapayapaan, at hindi ng kapahamakan, para magkaroon kayo ng magandang kinabukasan at pag-asa.’”—Jeremias 29:11.
IBIG SABIHIN: Ipinapangako ng Diyos na sa hinaharap, aalisin niya ang kasamaan, pagdurusa, at kamatayan. Kung magtitiwala ka sa mga pangako ng Diyos, hindi ka mawawalan ng pag-asa at mahaharap mo ang mga problema nang may lakas ng loob.