3 Alamin ang Katotohanan Tungkol kay Jesus
3 Alamin ang Katotohanan Tungkol kay Jesus
“Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan anupat ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang bawat isa na nananampalataya sa kaniya ay hindi mapuksa kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”—Juan 3:16.
ANO ANG HAMON? Sinasabi ng ilan na hindi kailanman umiral si Jesus. Ayon naman sa iba, umiral siya pero isa lamang siyang karaniwang tao na matagal nang patay.
PAANO MO MAPAGTATAGUMPAYAN ANG HAMON? Tularan ang alagad na si Natanael. * Sinabi sa kaniya ng kaibigan niyang si Felipe na nasumpungan na nito ang Mesiyas—“si Jesus, na anak ni Jose, na mula sa Nazaret.” Pero hindi agad naniwala si Natanael sa sinabi ni Felipe. Sa katunayan, sinabi niya: “Mayroon kayang anumang mabuting bagay na manggagaling sa Nazaret?” Gayunpaman, tinanggap niya ang paanyaya ni Felipe na “halika at tingnan mo.” (Juan 1:43-51) Makikinabang ka rin kung susuriin mo mismo ang mga katibayan tungkol kay Jesus. Ano ang maaari mong gawin?
Suriin ang mga katibayan sa kasaysayan na si Jesus ay umiral. Si Josephus at si Tacitus ay iginagalang na mga istoryador na nabuhay noong unang siglo at hindi mga Kristiyano. Binanggit nila si Jesu-Kristo bilang isang tunay na persona na talagang umiral. Isinulat ni Tacitus kung paano sinisi ng Romanong emperador na si Nero ang mga Kristiyano sa naganap na sunog sa Roma noong 64 C.E.: “Pinagbintangan ni Nero at pinatawan ng pinakamatinding parusa ang isang grupo na kinasuklaman dahil sa kanilang mga gawain, na tinatawag ng mga tao na mga Kristiyano. Si Christus [Kristo], na pinagmulan ng pangalang ito, ay dumanas ng pinakamatinding parusa sa panahon ng paghahari ni Tiberio sa mga kamay ng isa sa ating mga prokurador, si Poncio Pilato.”
Tungkol sa mga binanggit ng mga istoryador noong una at ikalawang siglo hinggil kay Jesus at sa unang mga Kristiyano, ganito ang sinabi ng Encyclopædia Britannica, Edisyong 2002: “Pinatutunayan ng magkakaibang ulat na ito na noong sinaunang panahon, maging ang mga kaaway ng Kristiyanismo ay hindi kailanman nag-alinlangan na umiral si Jesus.” Ayon pa sa reperensiyang iyon, pinagtalunan lamang ito noong magtatapos ang ika-18, noong ika-19, at sa pasimula ng ika-20 siglo, pero wala naman silang matibay na saligan. Noong 2002, ganito ang sinabi ng isang editoryal ng The Wall Street Journal: “Tinanggap na ng karamihan sa mga iskolar, maliban sa ilang ateista, na si Jesus ng Nazaret ay talagang umiral.”
Isaalang-alang ang katibayan na si Jesus ay binuhay-muli. Nang si Jesus ay arestuhin ng Mateo 26:55, 56, 69-75) Matapos arestuhin si Jesus, nangalat ang kaniyang mga tagasunod. (Mateo 26:31) Pagkatapos, bigla na lamang naging aktibo ang kaniyang mga alagad. Lakas-loob na hinarap nina Pedro at Juan ang mismong mga lalaki na nagpapatay kay Jesus. Lubhang napasigla ang mga alagad ni Jesus kaya ipinangaral nila ang kaniyang turo sa buong Imperyo ng Roma, anupat mamatamisin pa nilang mamatay kaysa ikompromiso ang kanilang paniniwala.
kaniyang mga kaaway, iniwan siya ng kaniyang matalik na mga kasama, at ikinaila siya ng kaniyang kaibigang si Pedro dahil sa takot. (Bakit biglang nagbago ang kanilang saloobin? Ipinaliwanag ni apostol Pablo na si Jesus ay binuhay mula sa mga patay at “nagpakita siya kay Cefas [Pedro], pagkatapos ay sa labindalawa.” Idinagdag pa ni Pablo: “Pagkatapos nito ay nagpakita siya sa mahigit sa limang daang kapatid sa iisang pagkakataon.” Karamihan sa mga nakasaksi ay buháy pa nang isulat ni Pablo ang mga salitang iyon. (1 Corinto 15:3-7) Ang patotoo ng isa o dalawang saksi ay maaaring madaling pawalang-saysay ng mga mapag-alinlangan. (Lucas 24:1-11) Pero mahirap mapabulaanan ang patotoo ng limang daang saksi na si Jesus ay binuhay mula sa mga patay.
ANO ANG GANTIMPALA? Ang mga nananampalataya kay Jesus at sumusunod sa kaniya ay maaaring mapatawad sa kanilang mga kasalanan at magkaroon ng malinis na budhi. (Marcos 2:5-12; 1 Timoteo 1:19; 1 Pedro 3:16-22) Kung mamatay sila, ipinangangako ni Jesus na bubuhayin silang muli “sa huling araw.”—Juan 6:40.
Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 4, “Sino si Jesu-Kristo?,” at kabanata 5, “Ang Pantubos—Ang Pinakamahalagang Regalo ng Diyos,” sa aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? *
[Mga talababa]
^ par. 4 Lumilitaw na tinukoy ng mga manunulat ng Ebanghelyo na sina Mateo, Marcos, at Lucas si Natanael sa pangalang Bartolome.
^ par. 10 Inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
[Larawan sa pahina 7]
Gaya ni Natanael, suriin ang mga katibayan tungkol kay Jesus