Ipagsanggalang ang Iyong Sarili Laban sa Masasamang Espiritu
Ipagsanggalang ang Iyong Sarili Laban sa Masasamang Espiritu
LUMAKI si James sa liblib na lugar sa isla ng Malaita, sa Solomon Islands. Mula pagkabata, itinuro na sa kaniya na parangalan ang mga espiritu. “Hindi man lamang sumagi sa isip ko na hilingin sa mga espiritu na saktan ang iba,” ang sabi niya, “pero imposible namang maging maligaya kung hindi gagamit ng rarafono [tradisyonal na mga gawaing humihingi ng tulong sa mga espiritu] para maipagsanggalang mula sa panganib.”
Gaya ng mga tao sa maraming lugar sa daigdig, naniniwala ang mga taga-Solomon Islands na maaaring makatulong o makapinsala sa isa ang mga espiritu. Sa katunayan, maraming Melanesiano ang hindi natatakot sa tinatawag nilang mabubuting espiritu.
Ang paniniwala sa ginagawa ng mga espiritu ay makikita sa iba’t ibang paraan. Halimbawa, noong bata pa si James, agad na pinapapasok sa bahay ng mga nanay ang kanilang mga anak kapag narinig nila ang huni ng ibong korokoro. Bakit? Naniniwala sila na kapag humuni ang ibon, may mapipinsala.
Ang ilang taganayon ay naglalagay ng espesyal na puting bato sa itaas ng pintuan ng kanilang mga bahay. Ginawa ito ni James dahil naniniwala siyang ipagsasanggalang siya ng bato mula sa masasamang espiritu. At kapag nasa trabaho si James, iniipon niya ang mga tira niyang pagkain sa tanghalian at inilalagay sa isang supot at saka itinatapon. Iniisip niya kasi na baka makita ito ng mangkukulam at gamitin ito para kulamin siya.
Bagaman maaaring hindi karaniwan sa inyong lugar ang mga gawaing ito, marahil gaya ni James nakadarama ka rin na kailangan mong sundin ang mga tradisyon upang maipagsanggalang ka sa masasamang espiritu. Maaaring naniniwala ka na ang pagsunod sa gayong mga tradisyon ay para sa iyong kapakanan.
Kung iginagalang mo ang Bibliya, tiyak na gusto mong malaman ang sagot nito sa sumusunod na mga tanong: (1) Anong pinsala ang maaaring gawin sa iyo ng masasamang espiritu? (2) Hindi kaya dahil sa pagsunod mo sa ilang tradisyon ay mapasailalim ka sa impluwensiya ng mga demonyo? (3) Paano ka makasusumpong ng tunay na proteksiyon laban sa masasamang espiritu at maging maligaya?
Kung Paano Namiminsala ang Masasamang Espiritu
Sinasabi ng Bibliya na ang masasamang espiritu ay hindi ang espiritu ng mga patay. “Batid ng Eclesiastes 9:5) Sa katunayan, ang masasamang espiritu ay ang rebelyosong mga anghel na sumama kay Satanas upang iligaw ang mga tao.—Apocalipsis 12:9.
mga buháy na sila ay mamamatay; ngunit kung tungkol sa mga patay, sila ay walang anumang kabatiran,” ang sabi ng Salita ng Diyos. (Maliwanag na sinasabi ng Kasulatan na kailangan natin ng proteksiyon laban sa masasamang espiritu. Isinulat ni apostol Pablo sa mga Kristiyano sa Efeso: “Tayo ay may pakikipagbuno, hindi laban sa dugo at laman, kundi laban sa . . . balakyot na mga puwersang espiritu sa makalangit na mga dako.” Inilarawan ni apostol Pedro ang tagapamahala ng lahat ng masasamang espiritu, si Satanas na Diyablo, na gaya ng “isang leong umuungal, na naghahanap ng masisila.”—Efeso 6:12; 1 Pedro 5:8.
Pangunahin nang pinipinsala ni Satanas ang mga tao sa pamamagitan ng pagliligaw, panlilinlang o panunukso sa kanila na kumilos sa paraang hindi nakalulugod sa Diyos. Sinasabi ng Bibliya na si Satanas ay “laging nag-aanyong isang anghel ng liwanag.” (2 Corinto 11:14) Nagkukunwari siyang isang espiritung nagbibigay ng proteksiyon, pero ang totoo, napakasama ng balak niya. Binubulag ni Satanas ang isipan ng mga tao para hindi nila malaman ang katotohanan tungkol sa kaniya at sa Diyos. (2 Corinto 4:4) Bakit niya inililigaw ang mga tao?
Gusto ni Satanas na sambahin siya ng mga tao, batid man nila ito o hindi. Nang nasa lupa si Jesus, ang mismong Anak ng Diyos, gusto ni Satanas na siya ay ‘sumubsob at gumawa ng isang gawang pagsamba’ sa kaniya. Sinabi ni Jesus: “Lumayas ka, Satanas! Sapagkat nasusulat, ‘Si Jehova na iyong Diyos ang sasambahin mo.’” (Mateo 4:9, 10) Tumanggi si Jesus na gumawa ng anumang bagay na magpapahiwatig na sinasamba niya si Satanas.
Si Jehova ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng espiritu at hindi niya hahayaang mapinsala kailanman ang mga sumusunod sa kaniya. (Awit 83:18; Roma 16:20) Ngunit kung palulugdan natin ang Diyos na Jehova gaya ni Jesus, kailangan nating iwasan ang anumang gawain na magpapahiwatig ng pagsamba kay Satanas o sa kaniyang mga demonyo. Upang magawa ito, kailangang alamin natin ang mga tradisyong nagpaparangal sa masasamang espiritu. Paano mo ito magagawa?
Alamin ang mga Tradisyong Hindi Nakalulugod sa Diyos
Binabalaan ng Diyos na Jehova ang kaniyang sinaunang bayan, ang mga Israelita, na huwag nilang gayahin ang ilang tradisyon ng kalapít na mga bansa. Sinabi niya: “Huwag masusumpungan sa iyo ang sinumang . . . nanghuhula, ang mahiko o ang sinumang naghahanap ng mga tanda o ang manggagaway, o ang isa na nanggagayuma sa iba sa pamamagitan ng engkanto.” Hinggil sa mga gumagawa nito, sinasabi ng Bibliya: “Ang lahat ng gumagawa ng mga bagay na ito ay karima-rimarim kay Jehova.”—Deuteronomio 18:10-12.
Kaya kapag pinag-iisipan ang mga tradisyong karaniwan sa inyong lugar, isaalang-alang ang sumusunod na mga tanong: Inuudyukan ka ba ng tradisyong ito na maniwala sa mga tanda? Pinaniniwala ka ba nito na may kapangyarihang magbigay ng proteksiyon ang mga bagay na walang buhay? Nagsasangkot ba ito ng pangkukulam o proteksiyon mula rito? Nangangahulugan ba ito ng pagpapasakop sa ibang espiritu maliban kay Jehova o sa kaniyang hinirang na kinatawan, si Jesus?—Roma 14:11; Filipos 2:9, 10.
Napakahalagang iwasan ang anumang tradisyon na nagsasangkot ng gayong mga gawain. Bakit? Kinasihan si apostol Pablo na isulat: “Hindi kayo maaaring makibahagi sa ‘mesa ni Jehova’ at sa mesa ng mga demonyo.” Nagbabala siya na kung palulugdan ng isa kapuwa ang Diyos at ang iba pang espiritu, ‘pupukawin niya si Jehova sa paninibugho.’ (1 Corinto 10:20-22) Hinihiling ng Diyos na Jehova ang bukod-tanging debosyon at karapat-dapat siya rito.—Exodo 20:4, 5.
Isaalang-alang din ang tanong na ito: Itinataguyod ba ng tradisyong ito ang ideya na hindi mananagot ang isang tao sa kaniyang mga ginagawa? Halimbawa, hindi sinasang-ayunan sa 1 Corinto 6:9, 10) Pero sa ilang kultura sa Pasipiko, ang gayong mga gawain ay maaaring katanggap-tanggap kung sasabihin ng isang babae na napilitan siyang makipagtalik dahil ginayuma siya. *
maraming komunidad ang pangangalunya at pagsisiping bago ang kasal at hinahatulan ito ng Bibliya. (Gayunman, itinuturo ng Bibliya na mananagot tayo sa ating mga ginagawa. (Roma 14:12; Galacia 6:7) Halimbawa, iniisip ng unang babaing si Eva na nilinlang siya ni Satanas para suwayin ang Diyos, sa pagsasabi: “Ang serpiyente—nilinlang ako nito kung kaya ako kumain.” Pero pinapanagot ni Jehova si Eva sa kaniyang ginawa. (Genesis 3:13, 16, 19) Mananagot din tayo sa Diyos sa ating ginagawa.—Hebreo 4:13.
Ano ang Dapat Mong Gawin?
Kung nais mong palugdan ang Diyos at mamuhay kaayon ng mga simulain sa Bibliya, kailangan mong gawin ang iyong buong makakaya upang ipagsanggalang ang iyong sarili laban kay Satanas at sa kaniyang mga demonyo. Magandang halimbawa sa bagay na ito ang tapat-pusong mga tao sa Efeso noong unang siglo. Upang hindi maimpluwensiyahan ng masasamang espiritu, tinipon nila ang lahat ng kanilang mga aklat hinggil sa mahika at “sinunog ang mga iyon sa harap ng lahat.”—Gawa 19:19.
Bago nila sinunog ang mga aklat, ang mga indibiduwal na ito ay ‘dumating at ipinagtapat nila at isinaysay nang hayagan ang kanilang mga gawain.’ (Gawa 19:18) Naantig ang kanilang puso sa itinuro ni Pablo tungkol sa Kristo, kung kaya naudyukan silang sunugin ang kanilang mga aklat sa mahika. Binago rin nila ang kanilang saloobin hinggil sa kanilang mga tradisyon.
Oo, hindi madaling iwan ang mga tradisyong nakaugalian na natin. Napaharap kay James, na binanggit sa pasimula, ang hamong ito. Nakipag-aral siya ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova at nasiyahan sa kaniyang natutuhan. Pero patuloy pa rin siya sa paggamit ng rarafono. Bagaman naniniwala siya sa mga pangako ni Jehova sa hinaharap, nagtitiwala pa rin siya na maipagsasanggalang siya ng mga tradisyon laban sa masama.
Ano ang nakatulong kay James na baguhin ang kaniyang pangmalas? Sinabi niya: “Nanalangin ako kay Jehova para bigyan ako ng proteksiyon at tulungan akong magtiwala sa kaniya. Kasabay nito, hindi na ako nakibahagi sa mga tradisyon.” May nangyari bang masama sa kaniya? “Wala naman,” ang sabi ni James. “Natutuhan kong magtiwala kay Jehova. Napatunayan kong puwedeng maging malapít na kaibigan si Jehova.” Sa katunayan, sa nakalipas na pitong taon, naglingkod si James bilang isang buong-panahong ministro, na tumutulong sa iba na matutuhan kung ano ang itinuturo ng Bibliya.
Bakit hindi tularan si James? Suriin ang mga tradisyong ginagawa sa inyong komunidad, at gamitin ang iyong “kakayahan sa pangangatuwiran” upang malaman kung ang mga ito ay kasuwato ng “kalooban ng Diyos.” (Roma 12:1, 2) At lakas-loob na layuan ang mapamahiing mga gawain. Kung gagawin mo ito, makapagtitiwala kang ‘tatanggapin ka’ at ipagsasanggalang ni Jehova. (2 Corinto 6:16-18) Gaya ni James, magiging totoo sa iyo ang pangako ng Bibliya: “Ang pangalan ni Jehova ay matibay na tore. Doon tumatakbo ang matuwid at ipinagsasanggalang.”—Kawikaan 18:10.
[Talababa]
^ par. 18 Sa panggagayuma, ang pantanging dahon ng halaman o pagkain ay ginagamitan ng “dasal” at saka ibinibigay sa babae. Dahil dito, sinasabing naaakit ang babae sa lalaki. Iba naman ito kapag ang isang babae ay pinainom ng pampatulog nang lingid sa kaniyang kaalaman at saka sapilitang sinipingan. Sa gayong kaso, ang babae ay isang biktima.
[Larawan sa pahina 19]
“Korokoro”
[Credit Line]
Courtesy of Dr. Bakshi Jehangir
[Larawan sa pahina 19]
Pinupulot ng batang babae ang tirang pagkain para hindi ito magamit upang kulamin siya