Para sa mga Kabataan
Pahalagahan ang Sagradong mga Bagay!
Tagubilin: Gawin ito sa tahimik na lugar. Habang binabasa mo ang mga teksto, isipin mong naroroon ka. Ilarawan sa iyong isip ang eksena. Isipin mong naririnig mo sila. Damhin mo ang nadarama ng pangunahing mga tauhan. Gawing buháy na buháy sa iyong isipan ang kuwento.
Pangunahing mga tauhan: Isaac, Rebeka, Jacob, at Esau
Sumaryo: Ipinagbili ni Esau ang kaniyang pagkapanganay sa kaniyang kakambal na si Jacob.
1 PAG-ISIPAN ANG EKSENA.—BASAHIN ANG GENESIS 25:20-34.
Anu-anong katangian ang nakita kina Jacob at Esau kahit noong nasa bahay-bata pa sila?
․․․․․
Ilarawan ang hitsura nina Jacob at Esau noong kabataan pa sila.
․․․․․
Anu-anong damdamin ang napansin mo sa pag-uusap nina Jacob at Esau sa talata 30 hanggang 33?
․․․․․
PAG-ARALANG MABUTI.
Magsaliksik tungkol sa mga karapatan ng panganay na anak na lalaki. Bakit mahalaga ang mga karapatang ito? Ano ang epekto ng pagbebenta ng mga karapatang ito kapalit ng isang mangkok ng nilaga?
․․․․․
2 PAG-ISIPAN ANG EKSENA.—BASAHIN ANG GENESIS 27:1-10, 30-38.
Anong damdamin ang napansin mo sa boses ni Esau nang malaman niyang nakuha na ng kaniyang kapatid ang pagpapala para sa panganay?
․․․․․
PAG-ARALANG MABUTI.
Mali bang maniobrahin nina Rebeka at Jacob ang mga pangyayari para si Jacob ang tumanggap ng pagpapala? Bakit o bakit hindi? (Clue: Tingnan ang Genesis 25:23, 33.)
․․․․․
3 GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN. ISULAT ANG IYONG NATUTUHAN TUNGKOL . . .
Sa masamang epekto ng padalus-dalos na pagkuha ng gusto mo.
․․․․․
PARA MAGAMIT PA ANG IYONG NATUTUHAN.
Anong sagradong mga bagay ang ipinagkatiwala sa iyo?
․․․․․
Paano mo maipakikita na pinahahalagahan mo ang sagradong mga bagay?
․․․․․
4 ANONG BAHAGI NG KUWENTONG ITO ANG PINAKAGUSTO MO, AT BAKIT?
․․․․․
Kung wala kang Bibliya, humiling nito sa mga Saksi ni Jehova, o basahin ito sa web site na www.watchtower.org