Awit 57
Ang Pagbubulay-bulay ng Aking Puso
1. Ang binubulay ng puso
At mga iniisip ko—
Sana’y makalugod sa iyo,
Manatili sa daan mo.
’Pag nababahala ako,
Kapag hindi mapalagay,
Mga bagay nga na matwid
At ikaw, ang binubulay.
2. Mga bagay na totoo,
At anumang kagalingan,
Anumang mabuting ulat—
Kapayapaan ang laan.
Kaisipan mo’y mahalaga!
’Di mabilang mga ito.
Laging laman ng isip ko,
Salita mo ay yaman ko.
(Tingnan din ang Awit 49:3; 63:6; 139:17, 23; Fil. 4:7, 8; 1 Tim. 4:15.)