Awit 125
Magpasakop sa Teokratikong Kaayusan
1. Habang bayan ng Diyos ay nangangaral
Tungkol sa Kahariang totoong mahal.
Teokratikong ayos dapat na sundin.
Pagkakaisa ay panatilihin.
(KORO)
Pagpapasakop bilang paggalang,
Sa Diyos ay ilaan.
Maibigin siya, may pagkalinga,
Atin siyang pagtapatan.
2. Katiwala ng Diyos at espiritu,
Siyang patnubay sa landasing Kristiyano.
Paluguran ang Diyos, ’di natitinag.
At matwid niyang utos ay ipahayag!
(KORO)
Pagpapasakop bilang paggalang,
Sa Diyos ay ilaan.
Maibigin siya, may pagkalinga,
Atin siyang pagtapatan.
(Tingnan din ang Luc. 12:42; Heb. 13:7, 17.)