Kabisaduhin ang mga Aklat ng Bibliya (Bahagi 1)
I-download:
1. Genesis—Sinabing Paraiso’y nawala.
Exodo—’Niligtas ng Diyos ang kaniyang bayan.
Levitico—Utos ng Diyos ay nagpapabanal.
Bilang—Lupang Pangako’y hindi nakita.
Deuteronomio—Dapat ay makinig at sumunod.
Josue—Bawat pamilya’y may kaniyang mana.
Hukom—Makapangyarihang mga lingkod.
Ruth—Pinagpala ng asawa’t anak.
Unang Samuel—Piniling maging hari si David.
Ikalawang Samuel—Kasalanan, dulot ay problema.
Unang Hari—Kaharian, nahati sa dalawa.
Ikalawang Hari—Marami’ng masama, ila’y tapat.
Unang Cronica—Mga aral na natutuhan no’n.
Ikalawang Cronica—Mga hari, bansa’y ibinagsak.
Ezra—Ibinalik tunay na pagsamba.
Nehemias—Lunsod, pader, muling itinayo.
Esther—Lakas-loob siyang nagsalita.
Job—Katapatan, mahalaga sa Diyos.
Awit—Mga awit ng papuri sa Diyos.
Kawikaan—Karunungan ay maaasahan.
Eclesiastes—Masaya ang paglilingkod sa Diyos.
Awit ni Solomon—Tunay na pag-ibig, laging tapat.
Isaias—Buhay kapag Kristo’y naghari na.
(KORO)
Ang Bibliya’y napakagandang aklat.
Ang awtor nito ay si Jehova.
Basahin natin ’to nang tayo’y matuto.
Ang Bibliya’y napakagandang aklat.