Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Lahat ay Ibibigay

Lahat ay Ibibigay

I-download:

  1. 1. Sa ’yo, O Jehova, lahat ay ibibigay ko.

    Habang buhay ikaw lang ang laging paglilingkuran.

    Handa ring mangaral, magturo sa mga tao

    Kaya’t sa ’king puso’y may tunay na kagalakan.

    (PAUNANG KORO)

    Pinalalakas mo ang pananampalataya ko.

    ’Di ko kalilimutan, ako’y nag-alay sa ’yo.

    (KORO)

    Ikaw, O Jehova, ang pupurihin.

    At para sa ’yo ang lahat gagawin.

    Pag-ibig ko’y tunay at habang buhay.

    Sa ’yo, O Jehova, lahat ay ibibigay.

  2. 2. Pag-ibig ko’y buong pusong ipadarama

    At handa na maglingkuran sa nangangailangan.

    Sa pagbibigay ay nagiging mas maligaya,

    ’Pag iba’y nabigyan ng pag-asa at natulungan.

    (PAUNANG KORO)

    Pinalalakas mo ang pananampalataya ko.

    ’Di ko kalilimutan, ako’y nag-alay sa ’yo.

    (KORO)

    Ikaw, O Jehova, ang pupurihin.

    At para sa ’yo ang lahat gagawin.

    Pag-ibig ko’y tunay at habang buhay.

    Sa ’yo, O Jehova, lahat ay ibibigay.

    (KORO)

    Ikaw, O Jehova, ang pupurihin.

    At para sa ’yo ang lahat gagawin.

    Pag-ibig ko’y tunay at habang buhay.

    Sa ’yo, O Jehova, lahat ay ibibigay.