AWIT 107
Tularan ang Pag-ibig ni Jehova
-
1. Ipinakita sa ’tin ni Jehova
Tunay na pag-ibig.
Ito’y huwaran na dapat tularan—
Magpakita ng pag-ibig.
Sariling Anak kaniyang inilaan
Bilang pantubos sa ’ting kasalanan.
O kay dakilang kapahayagan ng
Pag-ibig niya—Ito’y dakila!
-
2. Ating pag-ibig, ’pakita rin natin,
Tulad ni Jehova,
Sa may-edad man o mga baguhan,
Lahat sila’y mahalaga.
Pag-ibig sa Diyos at sa kapatiran
Ay magkaugnay, parehong kailangan.
At handang takpan mga kamalian;
Iniibig ating kapatid.
-
3. Dahil sa bigkis ng pag-ibig natin,
Tayo ay pamilya.
Nararanasan, nadarama natin
Tunay na pagkakaisa.
Pag-ibig ang siyang nagpapakilala
Na tayo’y lingkod ng Diyos na Jehova.
Siya ay tularan, ating ipakita
Ang pag-ibig. Diyos ay pag-ibig.
(Tingnan din ang Roma 12:10; Efe. 4:3; 2 Ped. 1:7.)