AWIT 121
Kailangan ang Pagpipigil sa Sarili
-
1. Mahal natin ang Diyos na Jehova;
Kaya nga iwasan na magkasala.
Kung ang laman dulot ay lumbay,
Espiritu dulot ay buhay.
-
2. Sa araw-araw, nar’yan ang tukso.
Mag-ingat baka mailihis tayo.
Madaraig ang kasalanan
sa tulong ng katotohanan.
-
3. Sa ’ting pagkilos pati salita,
Ngalan ni Jehova baka madusta.
Sana’y maging tunguhin lagi:
Dapat magpigil sa sarili.
(Tingnan din ang 1 Cor. 9:25; Gal. 5:23; 2 Ped. 1:6.)