AWIT 128
Magtiis Hanggang sa Wakas
-
1. Ang mga pangako ng Diyos,
mapananaligan.
Pagsubok sa katapatan
ay ’yong nakakayanan.
Ika’y nagiging matatag
at nadadalisay rin.
Pananampalataya mo,
Lalo pang patibayin.
-
2. Pag-ibig mo noong una
ay huwag mong iwanan.
Sa kabila ng pagsubok,
Lagi kang manghawakan.
Alinlangan o takot man,
Huwag hayaang humadlang.
Makakaya mong harapin,
Ang Diyos ’di ka iiwan.
-
3. Maliligtas ang magtiis
hanggang kawakasan;
Nando’n sa aklat ng buhay,
ang kanilang pangalan.
Kaya’t gawin mong tunguhin:
Magtiis nang lubusan.
Pagsang-ayon ni Jehova,
Dulot ay kagalakan.
(Tingnan din ang Heb. 6:19; Sant. 1:4; 2 Ped. 3:12; Apoc. 2:4.)