AWIT 148
Laan ni Jehova ang Kaligtasan
-
1. O Jehova, natatanging Diyos na buháy;
Likha mo ang lahat,
wala kang kapantay.
Walang diyos ang tulad mo. Malapit nang
mapuksa
lahat ng kaaway.
(KORO)
Laan ni Jehova ang kaligtasan.
Sa lingkod niya siya’y matibay na kanlungan.
Magmagiting, manalig sa Diyos
na Jehova.
Ihayag at papurihan ang
pangalan niya.
-
2. Sa bingit ng panganib, tatawag ako,
“Jehova, bigyan ng
lakas ang lingkod mo.”
Mula diyan sa ’yong templo ay pakinggan,
“Ingatan,
Iligtas mo ako.”
(KORO)
Laan ni Jehova ang kaligtasan.
Sa lingkod niya siya’y matibay na kanlungan.
Magmagiting, manalig sa Diyos
na Jehova.
Ihayag at papurihan ang
pangalan niya.
-
3. Sa langit ay dadagundong
ang tinig mo.
Manginginig silang
mga kaaway mo.
Magiging anuman ka na kailangan,
kailanman;
Makikita ito.
(KORO)
Laan ni Jehova ang kaligtasan.
Sa lingkod niya siya’y matibay na kanlungan.
Magmagiting, manalig sa Diyos
na Jehova.
Ihayag at papurihan ang
pangalan niya.
(Tingnan din ang Awit 18:1, 2; 144:1, 2.)