AWIT 20
Ibinigay Mo ang Iyong Mahal na Anak
-
1. Diyos naming Jehova,
Kami’y ’yong tinubos.
Dala ay pag-asa
Para sa amin.
Itong aming buhay,
Sa ’yo ibibigay.
Kalooban mo ay
palaging susundin.
(KORO)
Anak mo’y ’binigay,
Kami’y umaawit
At nagpapasalamat
dahil Anak mo’y ’binigay.
-
2. Dahil sa ’yong awa,
Kami’y tinanggap mo.
Jehova, ikaw ay
mahal na tunay.
’Di mapapantayan
Ang ’yong inilaan.
Siya’y namatay upang
Kami ay mabuhay.
(KORO)
Anak mo’y ’binigay,
Kami’y umaawit
At nagpapasalamat
dahil Anak mo’y ’binigay.
(PANGWAKAS)
Diyos naming Jehova, mula sa ’ming puso,
Maraming salamat, ang Anak mo’y ’binigay.
(Tingnan din ang Juan 3:16; 15:13.)