AWIT 30
Aking Kaibigan, Diyos, at Ama
-
1. Ang buhay sa mundong ’to
ay may luha at pagdurusa.
Ngunit ang aking buhay
ay mayro’ng halaga.
(KORO)
Dahil tapat ang Diyos at
’di lilimutin pag-ibig ko.
Hindi siya nang-iiwan;
Si Jehova’y kasama ko.
Naglalaan siya sa ’kin
at sanggalang ko, walang iba.
Si Jehova ay Kaibigan,
Diyos, at Ama.
-
2. Kalagaya’y mahirap;
Kabataan ay lumipas na.
Ngunit natitiyak ko,
Ako’y may pag-asa.
(KORO)
Dahil tapat ang Diyos at
’di lilimutin pag-ibig ko.
Hindi siya nang-iiwan;
Si Jehova’y kasama ko.
Naglalaan siya sa ’kin
at sanggalang ko, walang iba.
Si Jehova ay Kaibigan,
Diyos, at Ama.
(Tingnan din ang Awit 71:17, 18.)