Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 5

Mga Kamangha-manghang Gawa ng Diyos

Mga Kamangha-manghang Gawa ng Diyos

(Awit 139)

  1. 1. O Diyos, lubos mo ’kong kilala.

    Lahat sa ’kin ay nalalaman mo.

    Sinuri mo ang puso ko’t isipan.

    Alam mo rin ang salita

    at kilos ko.

    Noong ako’y gawin sa lihim,

    Mga buto ko’y ’di kubli sa ’yo.

    Aking anyo, lahat ay nakasulat.

    Pinupuri ko ang kapang-

    yarihan mo.

    Mga gawa mo ay kahanga-hanga;

    Ito’y lubos ko ngang nalalaman.

    Itago man ako ng kadiliman,

    Tiyak na ako ay masusumpungan.

    O sa’n ako makatatakas,

    At sa’n ako makapagtatago?

    ’Di sa langit, kahit pa sa Libingan,

    Kahit sa dagat, sa dilim,

    sa’nmang dako.

(Tingnan din ang Awit 66:3; 94:19; Jer. 17:10.)