PATULOY NA MAGBANTAY!
Inilapit ng mga Scientist sa 12 O’Clock ang Doomsday Clock—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
Noong Enero 24, 2023, inilapit ng mga scientist sa 12 o’clock ang Doomsday Clock a para ipakitang mas malapit na ang katapusan ng mundo.
“Ang ‘Doomsday Clock’ na sumisimbolo sa mga kaguluhang nangyayari sa mundo ay ini-adjust noong Martes. Ito ang pinakakaunting oras na natitira bago maghatinggabi dahil sa digmaan sa Ukraine, banta ng nuclear war at climate change.”—AFP International Text Wire.
“Sinabi ng mga scientist noong Martes na ini-adjust ang ‘Doomsday Clock’ sa 90 segundo bago ang hatinggabi—ipinapakita nito na napakalapit na ng armagedon.”—ABC News.
“Isang grupo ng mga scientist mula sa iba’t ibang bansa ang nagbabala na talagang nanganganib na ngayong maubos ang mga tao dahil sa kagagawan nila.”—The Guardian.
Malapit na bang magwakas ang planeta natin? Dapat ba tayong matakot sa mangyayari sa hinaharap? Ano ang sinasabi ng Bibliya?
Kung ano ang mangyayari sa hinaharap
Sinasabi ng Bibliya na “ang lupa ay mananatili magpakailanman” at may mga taong “titira . . . roon magpakailanman.” (Eclesiastes 1:4; Awit 37:29) Kaya ang lupa ay hindi tuluyang sisirain ng mga tao.
Pero may sinasabi ang Bibliya na magwawakas. Halimbawa, sinasabi nito na “ang sanlibutan ay lumilipas.”—1 Juan 2:17.
Para malaman kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa katapusan ng mundo, basahin ang artikulong “Malapit Na Ba ang Katapusan ng Mundo? Sinasabi Ba sa Bibliya na Magugunaw ang Mundo?”
Para malaman ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa sunod-sunod na mangyayari sa mundo, basahin ang artikulong “Kailan ang Katapusan ng Mundo?”
Manatiling positibo
Matutulungan tayo ng Bibliya na manatiling positibo kahit hindi maganda ang mga nangyayari sa mundo ngayon. Paano?
May praktikal na mga payo sa Bibliya. (2 Timoteo 3:16, 17) Halimbawa, basahin ang artikulong “Kung Paano Mababawasan ang Pag-aalala” para malaman kung paano ka matutulungan ng Bibliya na manatiling positibo kahit napakaraming problema.
Makakaasa tayo na totoo ang pangako ng Bibliya na magandang kinabukasan. (Roma 15:4) Sinasabi ng Bibliya kung ano ang maaasahan natin ngayon at sa hinaharap. Malaking tulong ito para manatili tayong panatag kahit napakagulo ng mundo ngayon.
Para lalo mo pang maintindihan ang Bibliya, inaanyayahan ka naming subukan ang aming libreng pag-aaral sa Bibliya.
a “Ang Doomsday Clock ay isang simbolo na nagbababala sa mga tao kung gaano na tayo kalapit sa pagkawasak ng ating mundo dahil sa mapanganib na mga teknolohiya na tayo mismo ang gumawa. Isa itong metapora, isang paalala tungkol sa mga problemang dapat nating solusyunan para makaligtas tayo at ang planeta natin.”—Bulletin of the Atomic Scientists.