Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Thai Liang Lim/E+ via Getty Images

PATULOY NA MAGBANTAY!

Nakakasama Ba ang Social Media sa Anak Ninyo?—Kung Paano Makakatulong ang Bibliya sa mga Magulang

Nakakasama Ba ang Social Media sa Anak Ninyo?—Kung Paano Makakatulong ang Bibliya sa mga Magulang

 “Grabe na ang mental health crisis sa mga kabataan ngayon, at social media ang lumilitaw na isa sa pangunahing dahilan nito.”—Dr. Vivek Murthy, U.S. surgeon general, New York Times, Hunyo 17, 2024.

 Paano mapoprotektahan ng mga magulang ang mga anak nila sa panganib ng social media? May magagandang payo ang Bibliya.

Ang puwedeng gawin ng mga magulang

 Pag-isipan ang mga prinsipyong ito sa Bibliya.

 “Pinag-iisipan ng marunong ang bawat hakbang niya.”—Kawikaan 14:15.

 Dahil puwedeng mapahamak ang anak mo, huwag ma-pressure na payagan siyang mag-social media. Bago mo payagan ang anak mo na gumamit ng social media, siguraduhing matured na siya at kaya na niyang limitahan ang oras na ginagamit niya. Dapat na kaya na rin niyang magkaroon ng mabubuting kaibigan at iwasan ang di-magaganda o di-angkop na mga content.

 “Gamitin ninyo sa pinakamabuting paraan ang oras ninyo.”—Efeso 5:16.

 Kapag pinayagan mong gumamit ng social media ang anak mo, gumawa ng rules at ipaliwanag kung paano makakatulong ang mga ito para hindi siya mapahamak. Maging alisto sa mga pagbabago sa ugali ng anak mo. Baka kailangan mong limitahan ang pagso-social media niya.

Iba pang impormasyon

 Sinasabi ng Bibliya na nabubuhay na tayo sa panahong “mapanganib at mahirap ang kalagayan.” (2 Timoteo 3:1-5) Pero may praktikal na mga payo din sa Bibliya na makakatulong para makayanan natin ito. Para sa mga magulang at anak, makikita sa artikulong ito na tungkol sa mental heath ng mga kabataan ang mahigit sa 20 iba pang artikulo na batay sa Bibliya.