Mga Estudyante Bumisita sa Tanggapang Pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Mexico
Ang mga estudyanteng nag-tour sa tanggapan at palimbagan ng mga Saksi ni Jehova sa Mexico ay nakadamang natulungan sila nitong “maalis ang pagtatangi,” ang sabi ng Gaceta, babasahin ng unibersidad.
Sinabi ng mga estudyante:
“Hangang-hanga kami sa napansin naming magagandang ugali . . . magalang, hindi nagtatangi, malinis.”
“Ang teamwork ng mga nagtatrabaho ay karapat-dapat tularan.”
“Lahat ay nakapokus sa kani-kanilang trabaho at laging nakangiti.”
“Talagang humanga kami sa mahusay na organisasyon ng palimbagang ito.”
Ang mga estudyanteng ito ay mula sa National School of Library and Archival Sciences sa Mexico City.
Ang mga Saksi ni Jehova ay nag-aalok ng libreng tour sa kanilang mga opisina at palimbagan sa halos 100 lupain. Sa mga gustong magdala ng mga estudyante para mag-tour sa isa sa aming mga pasilidad, makikita ang mga detalye tungkol sa oras at lokasyon sa tab na TUNGKOL SA AMIN > TANGGAPAN AT TOUR. Inaanyayahan din namin ang mga indibiduwal at pamilya na mag-tour sa aming mga pasilidad.