Pumunta sa nilalaman

Memoryal ng Kamatayan ni Jesus

Sabado, Abril 12, 2025

Isang beses taon-taon, inaalala ng mga Saksi ni Jehova ang kamatayan ni Jesus gaya ng iniutos niya: “Patuloy ninyong gawin ito bilang pag-alaala sa akin.”—Lucas 22:19.

Iniimbitahan ka namin sa okasyong ito.

Karaniwang mga Tanong

Gaano katagal ang programa?

Mga isang oras.

Saan ito gaganapin?

Kontakin ang mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar para sa mga detalye.

May bayad ba ito?

Wala.

May hihingin bang koleksiyon?

Wala.

Ano ang dapat kong isuot?

Walang dress code para sa okasyong ito. Pero sinusunod ng mga Saksi ni Jehova ang payo ng Bibliya na manamit nang mahinhin at maayos. (1 Timoteo 2:9) Hindi kailangang mamahalin o masyadong pormal ang isusuot mo.

Ano’ng mayroon sa Memoryal?

Nagsisimula at nagtatapos ang pulong sa isang awit na susundan ng panalangin ng isang ministro ng mga Saksi ni Jehova. May isang pahayag na base sa Bibliya na tatalakay sa kahalagahan ng kamatayan ni Jesus at kung paano tayo makikinabang sa ginawa ng Diyos at ni Kristo para sa atin.

Kailan ang mga susunod na Memoryal?

2025: Sabado, Abril 12

2026: Huwebes, Abril 2